Karapatan ng mga marinong Pilipino, isulong at protektahan!

Kahit saang komunidad ka magpunta dito sa ating bansa, hindi mawawala ang may tatay, anak, asawa, kapatid o kaanak na marino. Marami pa nga sa ating mga nanay ang nanga­ngarap na maging ‘seaman’ ang kanilang mga anak para magkaroon ito ng magandang kinabukasan.

karapatan ng mga marinong pilipino isulong at protektahan - Karapatan ng mga marinong Pilipino, isulong at protektahan!
Abante Risa Hontiveros Usapang Kalusugan at Kababaihan 1 - Karapatan ng mga marinong Pilipino, isulong at protektahan!

Kahit saang komunidad ka magpunta dito sa ating bansa, hindi mawawala ang may tatay, anak, asawa, kapatid o kaanak na marino. Marami pa nga sa ating mga nanay ang nanga­ngarap na maging ‘seaman’ ang kanilang mga anak para magkaroon ito ng magandang kinabukasan.

Tinatayang 300,000 ang bilang ng mga overseas Filipino seafarers (OFS), o mas kilala sa tawag na ‘seaman’ o ‘marino’ ang nakasampa sa iba’t ibang barko sa buong mundo. Kilala sa pagiging masipag at matatag ang mga marinong Pilipino kaya’t maraming kompanya ang naghahanap ng serbisyo ng ating mga kababayan.

Sa pagpasok ng 18th Congress, naghain ako ng panukala sa Senado na magpoprotekta sa karapatan at kalagayan ng mga marinong Pilipino. Ang Senate Bill No. 357 (Magna Carta of Filipino Seafarers) ay magbibigay ng mas maigting na proteksyon para sa mga karapatan ng ating mga kababayang marino. Ang panukalang ito rin ay nagrerekomenda ng skills enhancement para mas maging competitive ang mga Pilipinong marino.

Maraming pakinabang ang natamo ng ating bansa mula sa dugo’t pawis ng ating mga marino. Ito na ang tamang pagkakataon upang bumawi sa lahat ng tulong na kanilang ginawa para sa ating bayan. Dapat silang bigyan ng proteksyon mula sa mga pang-aabuso at hindi maayos na working condition pero nararapat din na mapanatili sila bilang top global market na maritime professionals.

Ang aking panukala ay magpapatupad sa mga probisyon ng Maritime Labor Convention 2006 ng International Labor Organization na pinirmahan ng ating gobyerno. Sa ilalim ng SBN 357, lahat ng mga marinong Pilipino, kasama na ang mga nagtatrabaho sa fo­reign-registered na mga barko, ay may karapatan sa disente at ligtas na working conditions, may karapatan sa tamang pasahod, may karapatan na mag-organisa, at may karapatan sa libreng tulong ligal.

Sa ilalim ng Marino bill, lahat ng Pilipinong marino ay dapat bigyan ng access sa training at ibang competence-building programs. Nasa panukala rin ang pagbibigay ng tamang pro­seso para sa pagkakaroon ng karapatan sa repatriation at reintegration ng mga marino.

Sa ilalim ng panukalang batas, sinisigurado na hindi mawawala sa mga Pilipinong marino ang tinatawag na ‘professional advantage’ sa international maritime workforce market.

Tulungan nating mas umangat ang kabuha­yan, kaligtasan at kinabukasan ng ating mga marino at kanilang mga pamilya. Ang panukalang ito ay isa sa mga prayoridad kong isulong sa Senado. Makakaasa kayo na gagawin natin ang ating makakaya upang maging ganap na batas ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *