Kandidato ng oposisyon, dapat magpasalamat sa Pangulo

Habang nasa kasagsagan ng kampanya para sa May 2019 elections ay walang tigil ang banat ni Pangulong Duterte sa mga kandidato ng oposisyon partikular ng Otso Diretso.

The post Kandidato ng oposisyon, dapat magpasalamat sa Pangulo appeared first on Abante News Online.

kandidato ng oposisyon dapat magpasalamat sa pangulo - Kandidato ng oposisyon, dapat magpasalamat sa Pangulo
Abante Ely Saludar Broadcasters Vies - Kandidato ng oposisyon, dapat magpasalamat sa Pangulo

Habang nasa kasagsagan ng kampanya para sa May 2019 elections ay walang tigil ang banat ni Pangulong Duterte sa mga kandidato ng oposisyon partikular ng Otso Diretso.

Aminado ang oposisyon na limitado ang kanilang pondo upang mangampanya sa pamamagitan ng publisidad sa radyo, dyaryo at telebisyon.

Pero dahil sa banat at panlalait ni Pangulong Duterte sa mga kandidato ng oposis­yon ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga botante na alamin at saliksikin kung sino ba ang mga binibira ng Pangulo.

Nasa unang lista­han ng Pangulo na laitin at birahin ay sina Atty. Chel Diokno, dating Solicitor General Florin Hilbay at Magdalo Party-list Representative Garry Alejano.

Masasabing nega­tibo ang publicity na naibibigay sa mga kandidato ng oposis­yon pero ito ay publi­city pa rin.

Dahil sa panlalait ng Pangulo na umano’y bakla si Hilbay at pa­ngit daw si Diokno ay isang pag-insulto ito sa sektor ng LGBT at iba pa.

Iboboto pa kaya ng miyembro ng LGBT ang mga kandidato ni Pangulong Duterte? o isusuka ang mga ito at pipili na lang ng ilan at hindi ang buo?

Ang mga kandidato ng administrasyon ay mas nakalalamang sa pondo sa kampanya bukod pa sa mismong ang Pangulo ang nagkakampanya sa mga ito.

Pero ang hindi alam ng Pangulo ay lalong ginigising lang nito ang mga botante at nag-iisip tuloy kung sino ba ang mga taong pinepersonal na birahin ng Pangulo na ika nga ay below the belt ang banat na hindi akma sa panlasa ng mga Pilipino.

Dahil dito ay dapat na magpasalamat pa ang mga kandidato ng oposisyon dahil natutulungan sila ng Pangulo na kilalanin ng publiko partikular ng mga botante.

Muli, ang ating paalala sa mga botante na maging matalino at huwag BOBO-tante at huwag maghalal ng mga pulpul-tiko na pabigat sa bayan.

The post Kandidato ng oposisyon, dapat magpasalamat sa Pangulo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *