Kamatayan, gumagala

Mga ka-Misteryo, nakita niyo na ba si kamatayan? ‘Yan ang isinangguni sa akin ng isang clairvoyant ng San Juan na si Maurice.

The post Kamatayan, gumagala appeared first on Abante News Online.

kamatayan gumagala - Kamatayan, gumagala
misteryo 1 - Kamatayan, gumagala

MISTERYO

Mga ka-Misteryo, nakita niyo na ba si kamatayan? ‘Yan ang isinangguni sa akin ng isang clairvoyant ng San Juan na si Maurice.

Kagabi lamang habang nasa silid niya sa ika-sampung palapag ng condominium building, biglang lumitaw sa labas ng sala­ming bintana ang ka­kila-kilabot na hitsura ni kamatayan.

Hindi ito ang u­nang pagkakataon na nakakita ng kamatayan o grim reaper si Maurice ngunit tuwing nakakakita siya nito ay kinakabahan siya at natatakot dahil alam niyang may kaluluwang kinukuha.

Bagaman hindi direktang sa kanya nakatingin at hindi siya ang sadya ng ‘kamatayan’ o grim reaper, hindi aniya maikaila na merong mamamatay malapit lamang sa kanyang lugar.

“Nagpe-pray na lamang po ako kapag may nakikita akong grim reaper kasi alam ko po may mamamatay,” pagtatapat sa akin ni Maurice.

Tinanong ko sa kanya ang totoong hitsura ni kamatayan o grim reaper.

“May mahabang damit na itim mula ulo hanggang paa, may hawak na karit at wala pong mukha dahil madilim. Wala po siyang mga mata. Matangkad din po.
Pero nakikita ko po siyang parang anino o kaya parang malaking kumot o kurtinang itim ‘pag lumilipad…at a­moy asupre,” dagdag pa ni Maurice.

Pang-apat na pagkakataon nang nakakita ng grim reaper si Maurice. Ang una ay nakita niya sa loob ng chapel sa isang kilalang mall. Ang pangalawa ay sa isang parke sa Mandaluyong na nakita niyang lumipad sa itaas habang ang pangatlo ay sa ‘di kalayuan sa kanyang condominium unit.

Pagtatapat pa ni Maurice sa akin: “Grabe ang takot ko noong u­nang pagkakataon kong nakita ang kamatayan o grim reaper sa loob ng chapel dahil parang nakatingin siya sa…hindi ko naman kita ang kanyang mukha at wala siyang mga mata.”

Ang ganitong karanasan ni Maurice ay patunay na meron tala­gang kamatayan na na­ngunguha ng mga kaluluwa at bukod pa ito sa alam nating ‘sundo’ ‘pag merong namamatay.

Hindi ko lang matiyak kung ang mga grim reaper ay biglaan kung manguha ng kaluluwa o sadyang pinupuntahan ang mga taong naghihingalo na.

Bagaman, nasabi sa akin ng isang faith hea­ler na may misyon ang mga grim reaper o kamatayan na sinusundo ang mga taong big­laan ang kamatayan tulad ng atake sa puso, stroke o ‘di man kaya ay big­lang namamatay sa disgrasya o aksidente.

Ayon kay brother Emil may tatlong grim reaper ang biglang lumitaw sa isang kom­panya dahil tatlong tao ang magkakasunod na namatay. Halos ilang araw lang aniya ang pagitan ng biglang kamatayan ng tatlo.

Dalawa ang namatay sa biglang pagtawid sa kalsada at ang isa ay inatake ng stroke. Natanong ko kay brother Emil kung kaya bang pigilin ang mga grim reaper: “Hindi pero kaya silang labanan at ibalik sa dimensiyon na kanilang pinagmulan.”

Ngunit ang masaklap aniya nito ay maaari pa rin nilang balikan ang kaluluwang target nilang kunin.

‘Yan ang patuloy nating misyon: ‘Kapag May Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Para sa inyong mga katanungan o nakakatakot na karanasan, mag-email sa reysibayan@gmail.com. Bumisita sa website ng Abante at ang personal kong website:www.reytsibayan.com.

The post Kamatayan, gumagala appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *