Kalma lang sa ‘ber’ months

Ngayong magsisimula na ang “ber” months mga tropapips at kahit papaano eh ramdam na ang lamig ng hangin sa madaling araw, pinapasilip na ng ilang netizen sina Jose Mari Chan at Mariah Carey na love team pagdating sa mga awiting pamasko.

The post Kalma lang sa ‘ber’ months first appeared on Abante.

kalma lang sa ber months - Kalma lang sa ‘ber’ months
spy on the job 7 - Kalma lang sa ‘ber’ months

Ngayong magsisimula na ang “ber” months mga tropapips at kahit papaano eh ramdam na ang lamig ng hangin sa madaling araw, pinapasilip na ng ilang netizen sina Jose Mari Chan at Mariah Carey na love team pagdating sa mga awiting pamasko.

Kapag ganitong panahon noong wala pa ang made in China na COVID-19, malamang madidinig na sa mga radyo at mall ang kanta ni Jose Mari, tulad ng Christmas in Our Heart, at ni Mariah na revival ng All I Want For Christmas. Bakit nga naman hindi, eh ang Pilipinas nga raw ang bansa na may pinakamahabang holiday season.

Pero noon ‘yon mga tropapips at malaki ang kaibahan ng sitwasyon ngayong panahon ng COVID-19 pandemic; na hindi basta-basta makalabas ang mga tao, lalo na ang mga matatanda at mga menor de edad; marami ang nasa ospital; marami ang walang trabaho o hindi sapat ang kita; at higit sa lahat, marami ang nawalan ng mahal sa buhay.

Ang isa nga nating kurimaw na suki ng mga midnight sale tuwing Pasko, biglang tumigil sa pagpe-Facebook dahil nakadadagdag daw sa kaniya ng lungkot ang ibang nakikitang post. Bagaman nakakaraos pa naman daw sila ng kaniyang pamilya sa araw-araw, aminado siyang kinailangan nilang magtipid dahil nawalan ng trabaho ang isa sa kanila.

Naiinis daw siya kapag nakakakita ng mga post na tila ibinabandera ang karangyaan at luho na parang hindi apektado ng pandemic. Kung minsan naman daw, puro siraan at panlalait ang nakikitang niyang mga comment kaya nagpasya muna siyang maghinga sa social media.

Ang tanong, ilan pa kaya ang katulad ng kurimaw natin ang nakararamdam ng katulad niya? At papaano pa kaya ang mga mas malaki ang problemang kinakaharap o nakaranas ng trahediya gaya ng mawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemic?

Kung tutuusin, malaking katanungan nga mga tropapips kung papaano nating ipagdiriwang ang Pasko ngayong taon dahil hindi pa rin bumabagal ang hawahan ng virus.

May mga mall sale pa rin kaya tuwing payday Friday na ugat ng trapik? May mga mag-post kaya ng larawan sa FB na may Christmas tree at lights na sa kanla? Mag-adjust pa rin kaya ng mall hours ang MMDA para maibsan ang “holiday rush?”

Lalo kayang dumami ang mga mangangaroling sa kalye at pati kaya ang mga jeepney driver na hindi pa rin makapasada eh madidinig nating kakanta ng…”Thank you, thank you, ang babarat ninyo!” O may magpapakita kayang Santa Clause na naka-face mask at face shield sa mall pero matatanda ang uupo sa kaniya dahil bawal pa rin ang mga bata na lumabas.

Magkakaroon kaya ng Simbang Gabi at ilang tao lang kaya ang puwedeng pumasok sa simbahan? Kailangan kaya ng quarantine pass sa Simbang Gabi? May magtitinda kaya ng puto-bungbong at bibingka kapag may curfew pa rin?

Aabangan din natin kung papayagan na ang mga sinehan na magbukas para matuloy ang taunang Metro Manila Film Festival? Magkakaroon pa rin kaya ng parada ng artista at maging sulit kaya ang ibabayad ng mga tao sa ipalalabas na pelkula?

Sabi sa isang artikulo na nabasa natin sa abroad, kahit ang paraan ng batian ng mga tao ngayong Pasko eh posibleng magbago. Kung dati ay marami ang bumabati ng kengkoy o nagpapatawa, ngayon daw ay magiging mas seryoso, mas may damdamin na nagpapakita ng simpatiya at magbibigay ng lakas ng loob na harapin ang susunod na taon.

Ganun naman siguro ang tama mga tropapips. Bagaman kailangan pa rin naman tayong maging masaya sa panahong ito ng kapaskuhan kahit may pandemiya, huwag naman sana tayong maging insensitive sa damdamin ng marami nating kababayan na naghihirap at nagluluksa.

Maghanap tayo ng tamang timpla kung papaano maagang nanamnamin ang panahon ng kapaskuhan pero hindi makasasakit ng damdamin ng iba. Kung makatutulong din naman sa iba na parang therapy ang maagang paggunita ng Pakso, wala naman sigurong masama. Pero mas maganda siguro kung ibabahagi nila kung papaano ito makatutulong para magaya ng iba.

Sa huli kasi eh dapat tandaan na ang Pasko ay pagmamahalan at hindi payabangan. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Kalma lang sa ‘ber’ months first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *