Kalahating katawan sa condo!

Mga ka-Misteryo may mga narinig na ba kayong kuwento na may naglalakad na putol na katawan sa inyong lugar? Ito bang misteryong ito ay fake o totoo?

The post Kalahating katawan sa condo! appeared first on Abante News Online.

kalahating katawan sa condo - Kalahating katawan sa condo!
misteryo - Kalahating katawan sa condo!

Mga ka-Misteryo may mga narinig na ba kayong kuwento na may naglalakad na putol na katawan sa inyong lugar? Ito bang misteryong ito ay fake o totoo?

Isang totoong karanasan ang ibinahagi sa akin ni Nardo ng Mandaluyong na sa tuwing nagigising siya sa dis oras ng gabi ay bumubulaga sa kanya ang nag­lalakad na kalahating katawan ng isang babae.

Nu’ng una ay sobra ang takot n’ya nang makita niya ang naglalakad na hating katawan ng babae sa ga­wing paanan ng kanyang higaan sa isang condo unit.

Bagong lipat lang siya sa condo nang una niyang makita ang aparisyon ngunit ito ay sinundan pa ng maraming beses. Dahilan para lagi siyang puyat sa matinding takot at antukin sa kanyang trabaho.

Nakaisip naman siya ng paraan para hindi siya magising ng alas-tres nang madaling-araw para dyuminggel. Ito ay ang matinding pagwo-workout para tuloy-tuloy ang kanyang pagtulog hanggang kinaumagahan.

Ngunit kahit himbing siya sa pagtulog ay nagigising siya sa kalabit ng tao sa kanyang paanan at dito niya nakikita ang naglalakad na kalahating katawan ng babae.

Ito ang dahilan kaya lumapit sa inyong lingkod si Nardo at inalam ko ang hitsura ng naglalakad na kalahating katawan ng babae. Ito ay nakaputing palda na nakatakong ng puti. Pinayuhan kong ipagdasal niya kung sino man ang nagpapakitang ‘yun sa kanya. At kung hindi pa tumigil ay kailangan nang tingnan ang kanyang lugar.

Definitely, isa itong kaso ng ghost haunting sa condo na tinitirhan ni Nardo. At kung bakit kalaha­ting katawan ng babae ang kanyang nakikita, marahil biktima ng pagpatay ang babaeng biktima at maaa­ring pinaghiwalay ang kanyang katawan ng killer. Maaaring gusto niyang ipahiwatig na ang kalaha­ting katawan niya na nakikita ni Nardo ay andun lamang sa paligid o sa mismong lugar kung saan nakatayo ang condo.

Marami pa tayong mga kuwento ng kababalaghan at misteryo kaya’t laging abangan ang ating artikulo sa Abante at Abante Tonite araw-araw. Kung may karanasan kayong misteryo o kuwentong nakakatakot sa inyong lugar, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. FB Page: Misteryo Pilipinas. Website:www.reytsibayan.com.

The post Kalahating katawan sa condo! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *