Joselito D.Delos Reyes, PhD

Sa dalas natin ng paggamit sa salita, tila nawawala ang malalim na kahulugan nito sa atin. Nagiging pangkaraniwan. Hindi na natin napapansin ang kaugnayan sa ating pagkatao. Halimbawa, ang salitang ‘kapalaran’.

The post Joselito D.Delos Reyes, PhD appeared first on Abante News Online.

joselito d delos reyes phd - Joselito D.Delos Reyes, PhD
Abante Joselito Delos Reyes Talas Salitaan 1 - Joselito D.Delos Reyes, PhD

Sa dalas natin ng paggamit sa salita, tila nawawala ang malalim na kahulugan nito sa atin. Nagiging pangkaraniwan. Hindi na natin napapansin ang kaugnayan sa ating pagkatao. Halimbawa, ang salitang ‘kapalaran’.

Pangkaraniwang salita lang ang ‘kapalaran’. Ibig sabihin, kahit anong pagpaplano mo sa buhay, kapag kapalaran ang nagdesisyon, iyon ang masusunod.

Malinaw sa atin ang kapalaran pero hindi na natin ito naiuugnay sa isang malalim na pagkilala natin sa kakayahan ng palad o palm na malaman ang tadhana.

Iyon ang salitang-ugat ng kapalaran, palad o guhit ng palad. Dahil magkakaiba ang guhit ng ating palad kaya magkakaiba ang ating kapalaran.

Bukod pa rito, bata pa lang, sanggol pa lang, hindi nagbabago ang guhit natin sa palad. Maaa­ring makalbo, pumayat o tumaba, pumangit o gumanda, oo, minsan puwede pa ngang magbago ang kasarian, pero natatangi ang guhit ng iyong palad.

Wika nga ng matatanda, nakaguhit na sa iyong palad ang mangyayari at wala kang kapangyarihang baguhin ito. Iyan ang iyong kapalaran. Iyan ang nakatadhana.

Biruin mo, sa gitna ng nagmamadaling mundo, sa ragasa ng naglipanang teknolohiya, naniniwala pa rin ang marami sa atin sa kapalaran. Sino ang makatitiyak sa mangyayari? Sino ang makapagplaplano ng tiyak na mangyayari. Kung hindi matutupad, ibintang sa kapalaran.

Ibintang sa guhit ng iyong palad. Kunsabagay, kung tutuusin, mahirap naman talaga malaman ang mangyayari sa hinaharap. Puwede nating planuhin nang planuhin, pagtrabahuahan nang husto, pero kung hindi ukol, hindi mangyayari.

Napag-uusapan na rin lang ang trabaho, kaugnay ang paksa ng espasyong ito ng isang matandang salita ring may malalim sanang kahulugan. Kaso, hindi natin napag-uukulan ng pansin. Ang salitang ‘pahinga’.

Alam ito ng lahat na nakakaintindi ng wikang Filipino. Pahinga. Rest sa Ingles. Iyon ang kinakailangan ng katawan at isip kung lubos tayong naging abala sa kung anumang gawain tulad ng trabaho o pag-aaral sa mga mas bata.
Madali nating masabi ang pahinga. Pansa­mantalang pagtigil. Puwedeng ilang sandali, para mabalik ang lakas kung tuloy-tuloy ang trabaho sa loob ng isang araw, o puwede rin namang tumagal ng kung ilang buwan o taon kung talagang nasalanta ng gawain ang katawan at isip.

Pahinga. Ilan ba sa atin ang nagninilay sa salitang ito? Mauunawaan natin ang kahalagahan ng paghinga sa salitang ‘pahinga’ o paghabol sa hininga. O paghugot ng malalalim na buntong-hininga.

Biologically, kailangan natin ang huminga para mabuhay. Mawawala ang kinakailangang oxygen ng katawan kung walang paghinga.

Ngunit hindi literal lamang na paghinga lamang ang ‘pahinga’. May malalim na kahulugan sa pagpapahalaga natin sa buhay ang sa­lita. Hindi lamang dapat puro trabaho, hindi lamang dapat kaabalahan sa buhay. Hindi lamang dapat gawaing makakalimutan ang sarili at ang kakayahan nating huminga o mabuhay.

Huminto tayo. Ganyan ang pahinga. Huwag magmadali. Pansinin ang sarili lalo na ang kakayahang humugot ng hininga. Nagagawa lamang na­ting mapansin ang sarili kung magpapahinga. Kailangan ito ng ating katawan. Kailangan ng isip. Kailangan ng damdamin para magpatuloy sa makabuluhang gawain hanggang sa susunod nating makabuluhang pahinga.

The post Joselito D.Delos Reyes, PhD appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *