Ituloy natin pagiging homeliner

NAGBABALA ang OCTA Research na posible umanong sumirit ang bilang ng hawaan sa COVID-19 sa nalalapit na holiday season sa bansa.

The post Ituloy natin pagiging homeliner first appeared on Abante.

ituloy natin pagiging homeliner - Ituloy natin pagiging homeliner
aksyon - Ituloy natin pagiging homeliner

NAGBABALA ang OCTA Research na posible umanong sumirit ang bilang ng hawaan sa COVID-19 sa nalalapit na holiday season sa bansa.

Ayon kay Guido David ng OCTA Research Group ang overall trend sa bansa ay maayos bagama’t naniniwala itong posibleng may kinalaman sa pagbaba ng kaso ng COVID ang pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa COVID testing.

Isa rin sa nakikitang rason ng OCTA ng mababang bilang ng COVID ay ang pagtigil sa operasyon ng ilang laboratory na tinamaan ng katatapos na bagyo.

Kasabay nito ay hinikayat ng grupo ang publiko na panatilihin ang pababa ng kaso ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, physical distancing, paghuhugas ng kamay at iba pa.
Pero dahil sa nalalapit na Kapaskuhan ay nakatitiyak akong may mga kababayan tayong magpipilit na lumabas para bumili at i-enjoy ang Holiday season.

Kaya sana ay mag-isip muna tayo ng maraming beses bago lumarga dahil maaring makagdagdag tayo sa paglobo ng kaso sakaling dumami ang mga lalabas ng bahay.

Huwag nating sayangin ang mahabang panahong pag-lockdown sa maiksing panahon ng kasiyahan sa holiday season.

Alam nating nagluluwag ang pamahalaan dahil kailangan ito para sumigla ang ekonomiya pero dapat ay makipagtulungan tayong lahat. Kumilos tayo nang naayon sa ipinatutupad na mga health protocol para hindi tayo maging dagdag pasanin ng pamahalaan.

Sa ngayon ay nasa 388,137 na ang COVID-19 infections pero ayon sa DOH ay bumaba ang kaso ng 25%.

May kaugnay pa rin sa pagiging responsible ngayong panahon ng pandemya ay nais nating batiin ang National Press Club (NPC) sa matagumpay na pagdiriwang ng kanilang ika-68 taong anibersaryo.

Kahit pandemya ay nagawang gunitain ng nangunguna at pinakamalaking samahan ng mga mamamahayag sa Pilipinas ang kanilang anibersaryo na may temang ‘ Proud & Strong’ sa ilalim ng pamumuno ni President Paul Gutierrez.

Bago ang mismong araw ng anibersaryo ng NPC ay naglunsad muna ng feeding program ang samahan kung saan ay halos 4,000 ang naging benepisyaryo.

Ito ay sinundan ng pagpapanumpa ni Supreme Court Justice Diosdado Peralta sa mga bagong set of officers ng NPC.

Congratulations sa NPC at hangad ko ang patuloy na tagumpay ng inyong samahan sa lahat ng inyong mg adhikain para sa kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

The post Ituloy natin pagiging homeliner first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *