Itodo natin ang suporta sa giyera kontra iligal na droga

Nakakalungkot na nakakagalit ang sinapit ng isang taong gulang na batang lalaki sa kamay ng isang construction worker sa Makati City.

The post Itodo natin ang suporta sa giyera kontra iligal na droga appeared first on Abante News Online.

itodo natin ang suporta sa giyera kontra iligal na droga - Itodo natin ang suporta sa giyera kontra iligal na droga
Abante Kaye Dacer Aksyon Lady 1 - Itodo natin ang suporta sa giyera kontra iligal na droga

Nakakalungkot na nakakagalit ang sinapit ng isang taong gulang na batang lalaki sa kamay ng isang construction worker sa Makati City.

Walang awang hinalay ng obrero na pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng iligal na droga ang paslit.

Kaya nga dapat ay ibinibigay natin ang ating suporta sa giyera kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte huwag tayong magbulag-bulagan at bingi-bingihan sa kawalanghiyaan ng mga galamay at utak ng pagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.

Ngayon ngang matindi na ang kampanya ng gobyerno sa illegal drugs ay may nakakalusot pa, papaano pa kung malambot ang laban aba’y baka mas marami pang mga sangkot sa iligal na droga ang magkakalat ng lagim at mambibiktima ng mga inosente kaya dapat na silang mawalis sa lipunan.

Hindi lang si Pa­ngulong Rod­rigo Duterte ang kumbinsido na karapat-dapat maging susunod na House Speaker si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano. Dahil mismong ang nakararaming Pilipino ay pabor kay Cayetano.

Sa dalawang survey ng Pulse Asia, angat na angat si Cayetano kumpara sa kanyang mga kongresistang nag-aambisyong ma­ging Speaker. Nakakuha si Cayetano ng 44 porsyento sa survey noong Marso 23-27 habang 65 porsyento naman noong Hunyo 24-30.

Matunog si Ca­yetano sa lahat ng socio-econo­mic class dahil 61 porsyento mula sa Class A, B, C ang sang-ayon sa kanya habang 44 porsyento sa Class D at 34 porsyento sa Class E sa survey noong Marso habang siya rin ang nanguna sa lahat ng socio-economic class noong Hunyo.

At kung hihimayin nang husto ang resulta ng naturang mga survey, mas maraming taga Luzon, 68 porsyento ang pabor kay Caye­tano gayundin sa Mindanao na may 65 porsyento habang 64 porsyento naman sa Visayas. Sa Metro Manila, 56 porsyento ang may gustong ma­ging Speaker si Ca­yetano.

At hindi naman kataka-taka ang ganitong resulta dahil si Cayetano ay may malawak at malalim na karanasan dahil siya ay naging konsehal, bise alkalde at three-time congressman. Dala­wang beses din siyang naging senador.

Dagdag pang pogi points kay Cayetano ang kanyang minsang pag-upo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs kung saan unang-una niyang naisaayos ang sistema sa pagkuha ng passport. Dati’y inaabot ng 2 hanggang 3 buwan ang hihintayin ng isang passport applicant para makakuha ng appointment kapag mag-aaplay ng bagong passport o kaya ay magre-renew. Pero ngayon ay araw na lamang ang hihintayin ng isang aplikante.

Hindi pa nagbobotohan sa Kamara pero kung mananaig ang kasunduan, mauupong House Speaker si Cayetano at pagkatapos ay makakahati nito sa termino si Marinduque Cong. Lord Allan Velasco.

The post Itodo natin ang suporta sa giyera kontra iligal na droga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *