Isulong ang pagtatayo ng math at science high school!

Magandang araw ng Lunes sa ating mga su­king tagasubaybay ng Abante! Nais kong ibalita sa inyo na ang inyong lingkod ay itinalagang chairman ng Committee on Basic Education, Arts and Culture ngayong ika-18 Kongreso.

isulong ang pagtatayo ng math at science high school - Isulong ang pagtatayo ng math at science high school!
Abante Win Gatchalian Win sa Edukasyon - Isulong ang pagtatayo ng math at science high school!

win sa edukasyon

Magandang araw ng Lunes sa ating mga su­king tagasubaybay ng Abante! Nais kong ibalita sa inyo na ang inyong lingkod ay itinalagang chairman ng Committee on Basic Education, Arts and Culture ngayong ika-18 Kongreso.

Dahil dito, tuloy-tuloy ang ating pagsulong ng mga ma­kabuluhang panukalang batas para sa patuloy na pagsasaayos ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.

Kaya naman, muli nating inihain ang Se­nate Bill No. 369 o ang Equitable Access to Math and Science Education Act. Sa pamamagitan nito, sisikapin ng Department of Education (DepEd) na maitaguyod ang isang pampublikong math at science high school sa bawat probinsya ng ating bansa.

Bakit mahalaga ang nasabing panukalang ito? Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng Math at Science subjects sa bawat mag-aaral dahil ito ay mga praktikal na kasanayan at karunu­ngan na ating pangkaraniwang ginagawa sa pang-araw-araw.

Para lubos na makamit ang pinakamataas na potensyal ng mga mag-aaral at ng ating lumalagong ekonomiya, mahalaga na mabigyang prayoridad ang nasabing panukalang batas na ito upang makabuo ng mas marami pang malilikhain at mata­talinong propesyunal sa hinaharap.

Nakasaad sa panukala ang pagpapagawa ng mga bagong pasilidad sa paaralan, ang pagsasaayos at ma­ging ang renobasyon ng mga paaralan, mga pasilidad na hindi napapakinabangan sa kasalukuyan maging ang mga pagmamay-ari ng gobyerno—basta’t ang mga paaralang ito ay bukas sa School Year 2020-2021.

Kapag naisabatas na, popondohan ng DepEd ang gagawing paaralan at magiging kabilang sa taunang General Appropriations Act o GAA.

Bukod dito, mag-iimplementa ang lahat ng mga public math at science high schools ng anim na taong kurikulum sa junior at senior high school.

Magiging basehan din nito ang bagong kurikulum ng Philippine Science High School System para sa Grade 7 hanggang 12 na tumututok sa paksang advanced mathematics at technology sa ilalim ng pangangasiwa ng DepEd at ng Department of Science and Techno­logy (DOST).

Kung ang kabataan ay mayroong maayos na pundasyon ng pag-aaral mula sa math and science na kurikulum, tiyak, kaunlaran at progreso ito hindi lamang sa kinabukasan ng kanilang mga sarili lalo pa ng ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *