Isulong ang ligtas na ‘Pinas

Tunay akong mapalad na mabigyan ng pagkaka­taong maging bahagi ng isa sa mga pinakatanyag at binabasang tabloid newspaper ng ating panahon, ang pahayagang Abante.

isulong ang ligtas na pinas - Isulong ang ligtas na ‘Pinas
bato dela rosa 1 - Isulong ang ligtas na ‘Pinas

Tunay akong mapalad na mabigyan ng pagkaka­taong maging bahagi ng isa sa mga pinakatanyag at binabasang tabloid newspaper ng ating panahon, ang pahayagang Abante.

Kaya naman lubos ang aking kagalakan at pasasalamat sa pamunuan at ating mga kaibigan sa Abante, Una sa Balita!

Sa kolum na ito, na lumalabas tuwing Martes, ibabahagi ko sa inyo ang aking mga saloobin sa iba’t ibang isyu na may direktang epekto sa buhay ng bawat isa sa atin. Dito ay inyo ring malalaman ang mga programa at adbokasiya na aking isusulong sa Senado.

***
Bilang isa sa mga bagong Senador ng bansa, pagsisikapan kong makapagba­langkas at makapagpasa ng mga epektibong batas na tiyak na magtataas ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. Bukas ako sa mga bagong kaalaman at handang maki­pagtulungan sa mga kapwa mambabatas, gayundin sa ating mga kababayan upang maisakatuparan ang mga tungkuling ito.

Hindi na rin naman ako bago sa paglilingkod sa ating gobyerno, bilang retiradong pulis, alam ng bawat Pilipino ang aking masidhing kagustuhan na wakasan ang paglaganap ng iligal na droga sa ating bansa, bagay na maituturing na­ting anay na sumisira sa pangarap ng bawat Pilipino. Iligal na drogang maaari rin ituring na sumpa na nangwawasak sa magandang samahan ng bawat pamilya na sa kalauna’y nagbubunsod ng krimen at paglapastangan sa karapatan ng kapwa.

Maliban sa pagsugpo sa iligal na droga, itutulak din nating maitaas ang kakayahan ng Phi­lippine National Police (PNP) upang labanan ang krimen at pagpapanatili ng peace and order sa bansa.

Ang PNP ay itinuring ko nang pamilya kung saan ako ay naglingkod ng mahigit tatlumpung taon. Kaakibat nito ang pagsasaayos ng ating criminal justice at penal system upang masiguro ang mataas na conviction rate para sa mga indibidwal o grupong mapanlamang sa kapwa at lumalabag sa batas.

Ang pangarap ko ay isang ligtas na Pilipinas para sa lahat ng Pilipino, kaya iyan ay isusulong natin sa Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *