Ipasa na ang DOFIL Bill para sa mga OFW

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na magtatatag sa Department of Overseas Filipinos (DOFil) upang mas mabilis ang pagtugon at pag-aksiyon sa mga serbisyong dapat matanggap at matamasa ng lahat ng Overseas Filipino Workers.

The post Ipasa na ang DOFIL Bill para sa mga OFW first appeared on Abante.

ipasa na ang dofil bill para sa mga ofw - Ipasa na ang DOFIL Bill para sa mga OFW
EDITORIAL LOGO MEDIAMAN Martin Andanar 1 2 - Ipasa na ang DOFIL Bill para sa mga OFW

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na magtatatag sa Department of Overseas Filipinos (DOFil) upang mas mabilis ang pagtugon at pag-aksiyon sa mga serbisyong dapat matanggap at matamasa ng lahat ng Overseas Filipino Workers.

Kamakailan lamang ay sinertipikahang urgent ng Pangulo ang panukalang batas at hiniling sa liderato ng Kongreso na pagtibayin na ang panukala para sa kapakanan ng milyon-milyong Pinoy sa ibayong dagat.

Ang pagtatatag po ng DOFil ay isa sa campaign promise ng Pangulo para maibigay ang tamang serbisyo sa lahat ng OFWs dahil nakita niyang hindi pantay-pantay ang sitwasyon ng maraming manggagawang Pinoy sa ibang bansa.

Mayroon pong mga sinuwerte sa trabaho at sa mga amo, pero mayroon din pong mga nakaranas ng kalupitan at karahasan at hindi natututukan lalo na sa aspetong legal.

Ito ang nagbunsod sa ating Pangulo para itatag ang isang departamento na tututok sa lahat ng pangangailangan, hinaing at reklamo ng lahat ng mga manggagawang Pinoy na nasa ibang bansa.

Sa ilalim po ng Senate Bill No. 1949 o ang Department of Overseas Filipinos (DOFil) Act of 2020, ang ahensiya ang magbalangkas, magrekomenda at magpatupad ng mga pambansang polisiya, mga plano at guidelines para sa mas epektibo at napapanahong pagtiyak sa proteksiyon ng OFWs .

Pangangasiwaan ng isang kalihim ang DOFil at binibigyang-kapangyarihan na magrekomenda at magdagdag ng undersecretaries at assistant secretaries kung kinakailangan.

Sa kasalukuyan, hiwa-hiwalay ang mga ahensiya ng gobyerno na tumutulong at tumutugon sa serbisyo at pangangailangan ng nga OFW, gaya na lamang ng mga nasa ilalim ng Department of Foreign Affairs, habang ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay nasa ilalim ng Department of Labor and Employment.

Natatagalan po ang pagtugon o pag-aksyon sa concerns ng mga OFW dahil sa hiwa-hiwalay na mga ahensiya kaya mahalagang maipasa na ang DOFil para mabilis ang pagtugon sa mga hinaing ng mga manggagawang Pinoy sa abroad at matiyak ang kanilang proteksiyon, karapatan at kapakanan habang sila ay naninilbihan sa ibang bayan.

Kapag naitatag ang DOFil, iisang tanggapan na lamang ang magpapatupad ng mga programa at serbisyo ng gobyerno para sa mga OFW na magpapadali sa mga proseso sa pagtulong sa mga tinaguriang mga bagong bayani ng bayan.

Si Senador Bong Go po ang nagsulong sa panukalang batas sa Senado para sa pagtatatag ng DOFil; at katunayan ay pangatlong version na ang isinusulong nito ngayon sa Senado.

Ayon po sa senador, nasa sampung milyon ang OFWs na nagsasakripisyo at nagtitiis sa ibang bansa para mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas kaya mahalagang mayroong isang ahensiya na nakatutok sa kanila.

Malaki po ang iniaambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kaya marapat lamang na suklian ng gobyerno ng maayos at mabilis na serbisyo ang kanilang mga sakripisyo.

Bawat OFW ay may sariling kuwento sa kanilang pakikipagsapalaran sa ibayong dagat, at isang halimbawa dito ang naging kapalaran ni Malik Darimbang mula sa Marawi City na hindi pinalad sa kanyang trabaho sa Saudi Arabia bilang driver.

Nasangkot po sa isang aksidente sa kalsada si Darimbang noong 2014 at namatay ang isang Pakistani national, nakulong at hindi nakalaya dahil walang pambayad ng blood money na nasa mahigit dalawang milyong piso.

Anim na taon pong nagtitiis si Darimbang at humingi ng tulong sa mga ahensiya ng gobyerno para maayos ang kanyang kaso at makauwi na sa bansa. Pero dahil hiwa-hiwalay ang mga ahensiyang nilapitan ng kanyang pamilya sa Pilipinas, natengga ito ng mahigit anim na taon sa Saudi Arabia.

At nito lang Miyerkules, December 16 ay nakauwi na sa Pilipinas si Darimbang matapos humingi ng tulong kay Senador Go ang kanyang pamilya para makauwi na ito ng bansa.

May nag-donate po para sa blood money kapalit ng paglaya ni Darimbang sa pamamagitan na rin ng senador kaya mabilis na naayos ang kanyang repatriation pabalik sa Pilipinas.

Ang kuwento ni Darimbang ang isa lamang sa maraming problema o pagsubok na kinakaharap ng maraming OFWs sa ibayong dagat. Kaya naman pursigido po si Pangulong Duterte na maipasa ang DOFil para matutukan ang kapakanan ng lahat ng mga manggagawang Pinoy na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Umaasa ako na maipasa na ang panukalang batas na ito sa lalong madaling panahon. Sana ang pagsasabatas dito ang pamasko ng Kongreso sa ating mga OFW.

The post Ipasa na ang DOFIL Bill para sa mga OFW first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *