Ipagdiwang ang mga health victory sa World Health Day!

Bukas ay masa­yang sasalubungin ng Pilipinas ang pagdiriwang ng World Health Day kung saan ang sentro ng selebrasyon ay ang pangkalahatang pangkalusugan para sa lahat. Ito ay akmang-akma para sa ating bansa dahil kailan lang ay naaprubahan ang mga itinutulak na­ting magagandang batas para sa kalusugan ng ating kababayan.

The post Ipagdiwang ang mga health victory sa World Health Day! appeared first on Abante News Online.

ipagdiwang ang mga health victory sa world health day - Ipagdiwang ang mga health victory sa World Health Day!
Abante Risa Hontiveros Usapang Kalusugan at Kababaihan - Ipagdiwang ang mga health victory sa World Health Day!

Bukas ay masa­yang sasalubungin ng Pilipinas ang pagdiriwang ng World Health Day kung saan ang sentro ng selebrasyon ay ang pangkalahatang pangkalusugan para sa lahat. Ito ay akmang-akma para sa ating bansa dahil kailan lang ay naaprubahan ang mga itinutulak na­ting magagandang batas para sa kalusugan ng ating kababayan.

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Health at co-sponsor ng Universal Health Care (UHC) Law sa Senado, ang batas na ito ay nagbibigay-daan upang ang mga serbis­yong pangkalusugan sa ating bansa ay maging epektibo, de kalidad at abot-kamay na ng ating mga mamamayan.

Bilang nanay, sumasang-ayon ako sa iba pang mga magulang na ang pangunahing pangarap ay maging malusog ang ating mga pamilya. Sa pagkakaroon ng UHC Law, hindi na kailangang mamili ng ating mga nanay kung ano muna ang unang tutugunan: ang pang-araw-araw na panggastos o ang pagpapa-check up at lunas sa mga sakit.

Para mas lalo pang maipatupad ng maayos ang UHC Law, nagpasa tayo ng iba pang mga batas pangkalusugan ngayong 17th Congress upang mas lalong mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa Pilipinas. Isa na rito ang Expanded Maternity Leave (EML) Law na magbibigay ng 105 na araw na maternity leave sa mga bagong panganak na nanay upang mas maalagaan ang kalusugan ng mag-ina.

Kakambal ng EML at UHC laws ay ang ‘Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act’ kung saan aalagaan ang kalusugan ng mag-ina mula sa sinapupunan hanggang dalawang taon ng buhay ng bata. Ang batas na ito ay para masolusyunan ang malnutrisyon sa ating mga kabataan at masiguro na magiging malusog at ligtas ang bagong panganak na nanay.

Ang isa pang batas na ating naipasa para sa kalusugan ng ating mga kababayan ay ang Enhanced Anti Hospital Deposit Law kung saan mahigpit na pinagbabawal ng batas ang paghingi ng hospital deposit sa mga pasyenteng nasa emergency situation. Ang mga ospital ay inuutusan ng batas na magbigay lunas muna sa mga pasyenteng nasa delikadong kalagayan.

Ang lahat ng mga batas na ito ay pinala­lakas ang mga serbisyong pangkalusugan sa bansa. Kaagapay ng UHC Law ang iba pa nating naipasang batas upang mabigyan ng maayos at epektibong serbisyo ang ating kababayang nangangailangan ng kalinga mula sa ating pamahalaan.

Pinapasalamatan ko ang mga health professional, taga-academe, advocate, mga kasama nating mga senador at kongresista, at ang kapartido ko mula sa Akbayan Partylist sa pagsusulong ng mga batas na ito upang mapakinabangan ng ating mga kababayan.

Sama-sama tayong makiisa sa pagdiwang ng World Health Day. Ang pagpasa ng mga batas pangkalusugan ay isang hakbang patungo sa isang malusog at masayang bukas.

***

Sa mga nagnanais na magpadala ng katanungang pangkalusugan at pangkababaihan kay Senator Risa Hontiveros, sumulat lamang sa itanongkayrisa@gmail.com.

The post Ipagdiwang ang mga health victory sa World Health Day! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *