Internet service naman ang silipin

Ngayong tapos nang pulutanin ng mga mambabatas ang kabulastugan sa PhilHealth, panahon naman sigurong gisahin nang walang bawang pero maraming sibuyas na pampaiyak ang mga telecom companies dahil sa nakakakunsumibg serbisyo nila sa internet.

The post Internet service naman ang silipin first appeared on Abante.

internet service naman ang silipin - Internet service naman ang silipin
spy on the job 8 - Internet service naman ang silipin

Ngayong tapos nang pulutanin ng mga mambabatas ang kabulastugan sa PhilHealth, panahon naman sigurong gisahin nang walang bawang pero maraming sibuyas na pampaiyak ang mga telecom companies dahil sa nakakakunsumibg serbisyo nila sa internet.

Mantakin n’yo mga tropapips, kung saan-saan bundok, puno at bubungan umaakyat ang mga guro, estudyante at maging ang mga online seller para makasagap lang ng internet signal. Papaano kung umulan? Baka tamaan pa sila ng kidlat.

Ang matindi pa nito, dahil marami ang kapos sa pera, nagpapa-load na lang sila para magka-data. Para silang bumibili ng tinging internet connection para maka-attend lang sa online class. Ang masaklap, may mga “nahoholdap” dahil biglang nauubos kaagad ang kaniyang data.

Kung marami kayong data mga tropapips o nakakanakaw kayo ng wifi sa kapitbahay, buksan niyo ang Facebook page ng mga telecom companies at basahin niyo ang mga komento doon na puro reklamo lalo na sa PLDT na number one telecom sa bansa.

Ang matindi nito, kung ano-anong “package” at promo pa ang ibinebenta ng mga hinayupak na telecom companies na nangangako ng mas “mabilis” na internet service pero ang ending naman eh nganga pa rin. May pa-4G, 5G, LTE, Fibr at kung ano-ano pang mataas na MBPS pero sisingilin ka ng pagkamal-mahal.

But wait there’s more. May mga bahay na walang internet noon ang nagpakabit ng linya dahil nga sa online class ng anak. Ang siste, pinangakuan na kakabitan pero nagsimula na ang klase pero wala pa rin. Ang iba, kakausapin ng costumer service pero hanggang doon lang. Parang bang tsinika lang ang pobre.

Kung bibili ka naman ng mga wireless na wifi, gagapang ka sa lupa dahil sa bagal ng koneksyon lalo na “peak hour” sa oras ng simula ng klase. Malamang mas matindi pa ngayon ang “trapik” sa internet connection dahil may mga lokal na pamahalaan na namigay ng libreng tablet at may pa-data pa.

Ang nangyari ngayon, dumami ang naka-online pero hindi naman yata nadagdagan ang cell site o transmitter na nagsusuplay ng internet. Paliwanag kasi ng isa nating katropa na bibo sa internet, para daw kasing kalsada ang cell site o tower, at mga nag-iinternet ang mga sasakyan. Pero teka, bakit ‘pag mahal ang bayad eh kaya raw nilang pabilisin ang MBPS? Ibig sabihin puwede nilang dagdagan ang bilis ng internet o wife connection.

Kung sobrang dami ng sasakyan sa kalye, natural daw na babagal ang daloy ng sasakyan. Ganun din daw ang nangyayari sa internet service na kapag marami at nagsabay-sabay ng “online,” babagal. Pero bakit nga kapag nagbayad ka ng mas mahal, bibilis daw? Kaya ang isa na kailangan, damihan o dagdagan ang mga tower at cell site o transmitter. Kaya nga sa nakaraang SONA ni President Mayor Digong Duterte, nagbabanta siya sa mga telecom company na ayusin ang kanilang serbisyo pagsapit ng Disyembre.

Mantakin nyo mga tropapips, kung paramihan ng tower ang pag-uusapan sa mga bansa sa Southeast Asia, eh kabilang ang Pilipinas sa mga kulelat. Gaano kakulelat? ang Vietnam eh may tinatayang mahigit 70 tower at nasa 90 naman ang Indonesia—ang Pilipinas nasa 17 lang. Pero pagdating sa singil, aba’y kasama tayo sa pinakamahal siyempre. Kaya magandang magsimula na ang bagong telco na papasok para malaman na kung may pagbabagong mangyayari sa internet service sa bansa.

Mantakin nyo mga tropapips na kabilang ang Pilipinas sa mga unang naglunsad ng mobile network noong 1990s at tumiba nang husto ang mga telecom sa mga singil nila sa text sa cellphone pero pinabayaan na ang pagtatayo ng mga tower.

Ngayong nagsimula na ang mga klase, dapat sigurong silipin ng mga mambabatas ang sitwasyon ng online class at maging ng mga magulang nilang naka-work from home na napeperwisyo ng masamang internet service nakaka-crying at angry emoji. Baka kailangang din silipin ang probisyon ng prankisa ng mga telecom companies para magising sila? Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Internet service naman ang silipin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *