Ingatan ang kalusugan

Isang maganda at mapagpalang Sabado sa ating lahat!

ingatan ang kalusugan - Ingatan ang kalusugan
Sulat Kay Editor 93 - Ingatan ang kalusugan

Dear Abante:

Isang maganda at mapagpalang Sabado sa ating lahat!

Isang buwan na ang nakalipas matapos ang Pasko. Isang buwan na rin ang nakakaraan nang mabusog tayo sa noche buena. Kumusta na ang mga timbang ninyo? Bumaba na ba o tumaas pa?

Huwag natin kalimutang mag-ehersisyo araw-araw at kumain nang tama. Ang pag-iingat sa kalusugan ay importante lalo na sa mga may edad na upang makaiwas sa mga sakit. Mahalaga rin na bata pa lang ay ingatan na ito dahil tiyak mararamdaman din ang mga masamang epekto ng pagkain nang hindi tama pagtanda.

Ang ating kalusugan ay isang kayamanan kaya pag-ingatan natin ito.
Danny ng Laguna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *