Illegal o unlawful arrest

Hi mam nais ko lang po sana ilapit ung kaso ng aking kapatid nagtataka po kasi kming lahat kung agad kinulong ang aking kapatid na wala namn spat na ebidensya.

The post Illegal o unlawful arrest appeared first on Abante News Online.

illegal o unlawful arrest - Illegal o unlawful arrest
Abate Claire Castro Clear It 1 - Illegal o unlawful arrest

Hi mam nais ko lang po sana ilapit ung kaso ng aking kapatid nagtataka po kasi kming lahat kung agad kinulong ang aking kapatid na wala namn spat na ebidensya.

Ayon po sa salaysay ng aking kapatid, siya po ay lalabas sa dagat kasi isa po siyang mangingisda na nanamahan lang po sa isang malaking bangka. Sabi niya ay sumakay po siya n trike papunta sa pinaroroonan ng kanilang bangka kasama ang kanyang kasamahan sa dagat at siya po ay naupo sa loob ng trike bago siya sumakay ay may pasahero ng babae yung trike. 16yrs.old daw yung babae at ang kapatid ko naman po ay 20yrs.old. Pinagbintangan po ang kapatid ko na hinipuan daw niya yung babae sa boobs ng 3 beses daw at nilamas pa daw nakalagay sa salaysay ng babae gayon wala naman nkita ang driver ng trike..ang sabe po ng kapatid ko nakatukod lang ang kanyang mga kamay sa trike dhil xa ay matangkad at malaki ng dumaan ang trike sa may humps bumagsak lang ang kamay nito sa babae ng hindi sinasadya..ganon lang po nangyari tapos po ay dinala agad yung kapatid q sa jail at ikinulong na wala naman sapat na evidence tama po b ginawa ng mga pulis? At hinihingian po ang kapatid ko ng pyansa 12k para makalaya.

Sana po mabasa niyo po ang aking katanu­ngan at kami po ay inyong matulungan.salamat po.
Marina

Marina,
Kung kasama niya ang isang kasamahan sa dagat ay bakit hindi man lamang siya ipinagtanggol nito upang hindi siya makasuhan ng acts of lasciviousness?

Unang-una tanong ko ay bakit kaagad-agad siyang dinala sa kulungan? Nasa loob pa lamang ba ng tricyle ay nakahingi na ng tulong ang babae sa pulisya upang maipakulong kaagad ang kapatid mo? O nagkaroon ng citizen’s arrest kung saan ang isang pribadong tao na nakasaksi sa ginawa umanong kahalayaan ang siyang humuli at nagdala sa kapatid mo sa presinto? Sino ang humihingi? Ang mga pulis ba o may order na mula sa korte na hala­gang P12,000 ang piyansa. Ito ay ilan lamang sa mga katanu­ngan ko upang mabigyang linaw ang sinapit ng kapatid mo.

Sa sitwasyon na ito ay marahil na nagkaroon na ng inquest proceedings kung saan ay nahuli siya sa pamamagitan ng isang valid warrantless arrest dahil huli sa akto ang ginagawang krimen at ihaharap siya sa isang investigating prosecutor ng Department of Justice upang mabatid kung dapat isampa ang kaso o hindi laban sa kapatid mo. Kung nagkaroon ng inquest ay humarap na sana ang ilan sa testigo ng kapatid mo upang marinig naman ang kuwento nila.

Kung hindi ganitong proseso ang isinagawa sa kapatid mo ay masasabi ko na malamang ay isang illegal o unlawful arrest ang ginawa sa kanya. Kung totoong walang kasalanan ang kapatid mo ay nakapagbigay salaysay man lamang sana ang nagmamaneho ng tricycle at ‘yung kasamahan niya upang mapasinungali­ngan ang bintang ng babae sa kanya. Kausapin mo ang kasamahan niya at ang nagmaneho ng tricycle kung totoong may naganap na krimen sa loob ng tricyle. Alamin kung paano nahuli ang kapatid mo at sino ang nagpagawa ng panghuhuli. Alamin din kung may pang-aabusong ginawa ang nanghuli sa kanya.

Kung ang P12,000.00 na sinasabing piyansa ay hindi utos o order ng korte ay magtaka ka na dahil walang karapatan ang mga pulis na magsabi at manghingi ng anumang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng kapatid mo kung walang galing na utos mula sa korte. Sa korte ka rin lamang maglalagak ng piyansa at hindi sa presinto.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

The post Illegal o unlawful arrest appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *