Huwag po, Mr. President!

Edwin_Santiago

Base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), tumaas muli ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa 80% sa pagsasara ng kalahati ng taon. Ang ganitong kataas na marka ay nangangahulugan na positibo ang pagtanggap ng mga tao sa mga programa at mga patakaran ng pamahalaan. Bagama’t nasa 12% ng populasyon ang hindi nasisiyahan, nanatiling mataas ang 68% bilang net satisfaction rating para sa isang pangulo na nasa kalagitnaan ng kanyang termino.

The post Huwag po, Mr. President! appeared first on Abante News Online.

huwag po mr president - Huwag po, Mr. President!
talaga ba - Huwag po, Mr. President!

Base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), tumaas muli ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa 80% sa pagsasara ng kalahati ng taon. Ang ganitong kataas na marka ay nangangahulugan na positibo ang pagtanggap ng mga tao sa mga programa at mga patakaran ng pamahalaan. Bagama’t nasa 12% ng populasyon ang hindi nasisiyahan, nanatiling mataas ang 68% bilang net satisfaction rating para sa isang pangulo na nasa kalagitnaan ng kanyang termino.

Mula sa pag-alis ni Marcos sa kapangyarihan, tanging si Corazon Aquino lamang ang nakahigit sa ganitong marka. Nakakuha si Aquino ng net satisfaction rating na 72% noong Oktubre 1986, walong buwan pa lamang sa kanyang administration. Ngunit pagkatapos ng tatlong taon, bumagsak ang kanyang net satisfaction rating sa 37% noong Pebrero 1989. Si Fidel Ramos ay ganun din ang sinapit. Mula sa 66% nu’ng Setyembre 1992, nasa 26% na lamang pagkatapos ng tatlong taon. Si Benigno Aquino III ang pinakamalapit sa rekord ni Duterte. Mula sa 60% noong Setyembre 2010, nasa 64% pa rin noong Hunyo 2013. Kung hindi magbabago ang pagtingin ng tao sa kanyang pamumuno, inaasahang matatapos ni Duterte ang kanyang panunungkulan nang mayroong pinakamataas na net satisfaction rating.

Subalit, sadyang nakakalungkot ang plano ng ibang mga politiko. Sa halip na gamitin ang malawakang pagtanggap sa mga patakaran ng pamahalaan para sa mga adhikain na makakatulong sa ating bansa at sa mga mamamayan, sinisiguro nila na ang kanilang mga kapakanan lamang ang nasa ayos.

Napakalaking ugong ang nilikha ng House Bill No. 8179 na naglalayong magbigay ng prangkisa mula sa Kongreso para sa kompanyang Solar Para sa Bayan Corporation (SPB Corp) para sa pagpapatakbo ng mga pasilidad na naglalabas ng solar power.

Walang mali sa paggamit ng solar power. Wala ring mali na mag-negosyo ng solar power generation. Pero, ma­ling-mali na makinabang ang isang kompanya sa isang proseso na nagbibigay ng hindi nararapat, hindi makatarungan, at kapansin-pansin na kalamangan sa mga ibang kompanya.

Ayon sa batas (Republic Act No. 9136), ang industriya ng pag-produce at pag-supply ng kuryente ay hindi na­ngangailangan ng isang prangkisa—local man o national. Samakatuwid, ang planong pagbibigay ng Kongreso ng prangkisa sa SPB Corp ay, unang una, malinaw at tahasang paglabag sa layunin ng batas na Kongreso rin ang may likha.

Ang isang prankisa na igagawad ng pamahalaan sa isang kompanya ay nagbibigay ng pahintulot sa isang kompanya na magnegosyo sa isang larangan. Subalit, kapag hindi kinakailangan ang isang prangkisa, ang pag-gawad nito ay naglilikha ng higit na mataas na katayuan para sa isang kompanya na ginagamit upang magkaroon ng hindi patas na kalama­ngan. Dahil dito, ang ibang mga kompanya na walang prangkisa galing sa Kongreso ay nagkakaroon ng mas mababang kaurian. Kapag ganito ang kalakaran, nalalagay sa alanganin ang negosyo ng mga kompanyang ito, na maaaring magdulot ng pagkalugi at pagsasara ng mga kompanyang ito.

Dapat nating alala­hanin na ang pag-nenegosyo ay mayroon ding mga layuning panlipunan. Una, ang mga ito ay sumusuporta sa pana­wagan ng pamahalaan na tugunan ang kakulangan sa pag-supply ng malinis na enerhiya—o ang tinatawag na renewable energy—na hindi makapinsala sa ating kalikasan. Pangalawa, ang mga kompanya ng solar energy ay tumutugon din sa pangangailangan na magkaroon ng murang kuryente para sa patuloy na pag-unlad ng ating ekonomiya. Pangatlo, ang mga kompanyang ito ay nagbibigay ng hanap-buhay sa kanilang mga kawani na siya namang nagbibigay suporta sa kani-kanilang mga pamil­ya.

Bukod sa mga epek­tong nabanggit para sa mga ibang kompanya, ang ganitong sistema ng pamamahala na nagbibigay ng napakala­king kalamangan sa isang kompanya ay taliwas sa layunin ng pamahalaan na magkaroon ng tinatawag ng ‘level playing field’ o ang pagkakapantay-pantay ng mga sitwasyon at kondisyon sa pagnenegosyo. Ito ay nakaka-apekto sa pananaw ng mga mamumuhunan sa bansa ukol sa kalakaran ng pagnenegosyo rito. Dapat ay walang lama­ngan.

Ang tanging pag-asa sana na magkaroon ng pag-aaral at pagtatalong teknikal hinggil sa isyu na ito ay sa pamamagitan ng pagbato ng panukala.

Ang kinakailangan natin ay ang veto—o aktibong pagtanggi sa panukalang batas—ni Pangulong Duterte sa mapanlamang na House Bill No. 8179. Umaasa ang sambayanan na hindi magtatagumpay ang uri ng pamamahala na nagbabalik sa isa sa mga dahilan ng kahirapan ng ating bansa—ang pagbibigay ng kalamangan sa mga piling negosyante. Talaga bang hahayaan natin ang iilan na sirain ang ating kinabukasan? Huwag po, Mr. President!

The post Huwag po, Mr. President! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *