Huwag abusuhin

Binalaan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang mga kagawad ng pulisya sa ika-118th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame na huwag pagdiskitahan ang sugal na ending.

huwag abusuhin - Huwag abusuhin
Abante Kaye Dacer Aksyon Lady 2 - Huwag abusuhin

Binalaan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang mga kagawad ng pulisya sa ika-118th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame na huwag pagdiskitahan ang sugal na ending.

Ang ending ang paboritong sugal ng ilan nating kababayan na ibinabase sa iskor sa basketball.

Minsan na kasing may nasaksihan ang Pangulo na inarestong ginang dahil sa pagsusugal ng ending.

Ang resulta aniya ay si Senador Bong Go pa ang nagpiyansa dahil wala namang pambayad ang nahuling ginang.

Sa totoo lang naman kasi ay may ilang kagawad ng PNP ang talagang nagsasamantala kahit sa mahihirap.

Inaaresto ang ilang nagsusugal nating kababayan para makapangotong.

Kaya ang kawawang nahuli na walang maipanlagay ay sa kulu-ngan ang bagsak.

Pero hindi porke may blessing ang Pangulo sa pag-e-ending ay aabusuhin na ng mga mahilig magsugal.

Alam kong inuunawa lamang ng Pangulo ang ilan nating kababayang ayaw talagang tumigil sa pagsusugal pero hindi rason ang ibinigay nitong pahintulot na huwag hulihin ang mga nagsusugal na magpa-kagumon sa kanilang bisyo.

Dapat ay tinatalikuran ang ganyang uri ng bisyo dahil walang buti itong idinidulot.

Sa halip na magsugal bakit hindi na lang gamitin ang perang pantaya sa mga pangunahing pangangaila-ngan.

Hindi rin magandang tingnan sa isang komunidad na may mga nalilinya sa pagsusugal dahil kakabit nito ay gulo at krimen.

Mukhang may problema na naman sa pagtataya ng panahon dahil sa maagang deklarasyon na walang klase sa ilang lugar sa Metro Manila pero sumungaw naman ang haring araw.

Kaya tuloy ay nasa-yang na naman ang isang araw ng mga estudyanteng sinuspinde ang klase.

Ano nga kayang solusyon ang mainam para maiwasan ang saltong suspensyon ng klase?

Pero totoo namang mahirap panghawakan ang pagtataya ng Pagasa.

Kanya nga lamang napakahalagang siguruhin ang kaligtasan ng mga mag-aaral na siyang prayoridad ng DepEd, LGUs at Malacañang kaya maagap ang ginagawang suspensyon ng klase.

Kaya tama na ang pambabatikos ang mahalaga ay masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

Para sa inyong komento at opinyon mag-email sa aksyon_lady@gmail.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *