Hustisya sa pagkamatay ni Dormitorio

Nakikisimpatya ako sa pamilya ni Cadet Dormitorio sa pagkamatay ng batang kadete sa loob ng akademya dahil sa hazing. Ramdam ko ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Naiintidihan ko ang paghingi nila ng maayos at masusing imbestigasyon sa nangyari.

hustisya sa pagkamatay ni dormitorio - Hustisya sa pagkamatay ni Dormitorio
Sulat Kay Editor 14 - Hustisya sa pagkamatay ni Dormitorio

Dear Abante:

Magandang araw!

Nakikisimpatya ako sa pamilya ni Cadet Dormitorio sa pagkamatay ng batang kadete sa loob ng akademya dahil sa hazing. Ramdam ko ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Naiintidihan ko ang paghingi nila ng maayos at masusing imbestigasyon sa nangyari.

Hiling ko rin na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Cadet Dormitorio at nawa ay hindi na maulit ang ganoong insidente.

Sa kabilang banda, ako ay nagpapasalamat sa ginawang hakbang nina Lieutenant General Evangelista at ang Valor awardee na si Vicente Bacarro. Alam kong napakahirap sa parte nila ang nangyari. Pero tama na rin na nagbitiw sila sa kanilang posisyon.

Sa tingin ko ay marapat ang kanilang naging desisyon at maging instrumento na rin sana sila sa mga reporma at tunay na pagbabago sa PMA. Ayaw na nating maka­balita na may nagsakripisyo ng buhay dahil sa hazing o maltreatment.

Salamat po.

Marjane Dy ng Morong, Rizal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *