Historyador na, artista pa

Hindi na bago sa aming mga historyador ang paminsan-minsan ay lumalabas sa mga palabas sa pelikula at telebisyon. Nariyan si Ambeth Ocampo, Emmanuel Franco Calairo, Alvin Campomanes at maging ang inyong lingkod.

The post Historyador na, artista pa appeared first on Abante News Online.

historyador na artista pa - Historyador na, artista pa
Abante Xiao Chua Xiao Time - Historyador na, artista pa

Hindi na bago sa aming mga historyador ang paminsan-minsan ay lumalabas sa mga palabas sa pelikula at telebisyon. Nariyan si Ambeth Ocampo, Emmanuel Franco Calairo, Alvin Campomanes at maging ang inyong lingkod.

Pero may kilala akong historyador na kinarir talaga ang pag-aartista: si Rollz Elan Ma­ningas. Nasa kolehiyo pa lamang ako sa UP Diliman, kilala ko na si Rollz dahil alumna siya ng aming organisasyon, ang UP Lipunang Pang­kasaysayan. At ang lola mo, cum laude sa kanyang undergrad sa History. Tumuloy-tuloy siya hanggang magmasterado at mentor naming pareho si Zeus Salazar.

Nagsimula siyang magturo sa UP Los Baños noong 1997 kung saan nagtamo siya ng Outstanding Junior Fa­culty award at di nag­laon ay natalagang maging pinuno ng Sa­ngay Pangkasaysayan ng College of Arts and Sciences doon. Nakapagturo din siya kapagdaka sa FEU at sa Benilde. Sumama sa pagsulat ng mga akdang pangkasaysayan at nagbigay ng training para sa mga guro ng kasaysayan. Ang kanyang pagsisilbi sa bayan ay tinuloy-tuloy pa niya bilang multi-awarded global president ng Rotary International District 3800 (Caloocan Silangan) at itinanghal na Most Outstanding Rotary President and Club.

Sa mahigit dalawang dekada niyang karera sa pagtuturo, nakilala siya bilang “terror but fle­xible.” Pero nagkaroon ng reputasyon bilang cool na titser dahil hindi lamang lumalabas bilang thespian o actor sa teatro (sa Repertory Philippines nakasama sina Pinky Amador, Raymond Lauchengco, Noel Trinidad, Mitch Valdez, at Leo Martinez), noong 2007, napasama pa siya sa sci-fi movie Xenoa 2 Clash of the Bloods na kinatampukan ni Victor Basa. Nagkaroon na rin siya ng papel sa “Magpakailanman,” “Wish Ko Lang,” “Alyas Robinhood” at “A Love to Last,” at iba pa. Ilan sa nakasama na niya ay ang Cannes best actress Jacklyn Jose, Coco Martin, DJ Alvaro, Isabel Granada, Edu Manzano at Tirso Cruz, III lang naman. Napabilang siya sa Actors Guild of the Philippines noong 2017.

Gumanap na kaibigan ni Paolo Ballesteros sa pelikulang “Die Beautiful” at nagtamo ng Ultimate Actor in Television and Movie award mula sa Starbuzz Television Productions at kamakailan, nominado sa Best Social Media Award ng South East Asia International Achievement Awards.

Sa lahat ng ginampanan niyang papel, ang pinakamahirap na ata ay yung sa totoong buhay. Nagkasakit si Rollz ng colon cancer subalit nilabanan niya ito at napagtagumpa­yan. Binabalik niya sa Panginoon ang lahat sa kanyang pagiging aktibo sa Gospel Media Production and Jesus Reigns.

Sabi ni Andres Bonifacio, “Ang kasipagan sa paghahanap-buhay ay siyang tunay na pag-ibig at pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak at kapatid o kabayan.” Iniibig ni Rollz ang Inang Bayan sa kanyang pag­linang sa mga talentong bigay ng Diyos sa kanya. Isang inpirasyon sa kabila ng mga hinaharap natin sa buhay at bansa.

The post Historyador na, artista pa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *