Hindi sapat ang sorry lang: Manila Water kailangang magbayad ng danyos sa water shortage

Tinatayang 1.2 milyon na mga residente ang naperwisyo sa biglaang paghina at pagkawala ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsya kamakailan. Maraming pamilya ang naapektuhan kasama na ang serbisyong publiko at mga negosyo. Hindi sapat ang paghingi ng ‘sorry’ ng Manila Water sa krisis na ito. Kailangan may pananagutan. Kailangan may kompensasyon sa lahat ng kanilang mga consumer na naperwisyo. 

The post Hindi sapat ang sorry lang: Manila Water kailangang magbayad ng danyos sa water shortage appeared first on Abante News Online.

hindi sapat ang sorry lang manila water kailangang magbayad ng danyos sa water shortage - Hindi sapat ang sorry lang: Manila Water kailangang magbayad ng danyos sa water shortage
Abante Risa Hontiveros Usapang Kalusugan at Kababaihan - Hindi sapat ang sorry lang: Manila Water kailangang magbayad ng danyos sa water shortage

Tinatayang 1.2 milyon na mga residente ang naperwisyo sa biglaang paghina at pagkawala ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsya kamakailan. Maraming pamilya ang naapektuhan kasama na ang serbisyong publiko at mga negosyo. Hindi sapat ang paghingi ng ‘sorry’ ng Manila Water sa krisis na ito. Kailangan may pananagutan. Kailangan may kompensasyon sa lahat ng kanilang mga consumer na naperwisyo. 

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Health, hindi lingid sa aking kaalaman ang pa­nganib sa kalusugan na dulot ng water shortage. Halimbawa na dito ang naiulat na sapilitang pagpalit ng klase ng dialysis sa ilang pasyenteng sinerbisyuhan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City dahil sa kawalan ng tubig. 

May iba pang ospital din ang naapektuhan tulad ng Rizal Medical Center (RMC) na nag­limita sa admission ng mga pasyente dahil sa kawalan ng suplay ng tubig. Ang iba pang mga pampublikong ospital na naapektuhan ay ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City, ang Philippine Children’s Medical Center at ang Quirino Memorial Medical Center, ayon sa Department of Health. 

Nararapat na magbayad ang Manila Water sa lahat ng mga consu­mer na naapektuhan ng kanilang kapabayaan at nagkaroon ng tinatawag na ‘lost time, gross inconvenience’ pati na ang pagkawala ng kita ng mga maliliit na negosyo. 

Tama naman na magpaumanhin ang Manila Water sa kanilang mga customer at sa pag-ako nila ng responsibidad sa krisis na ito. Subalit hindi sapat ang sorry lamang. 

Hindi naman maaa­ring mag-sorry lang at mag-move on na tayo agad. Ang ordinaryong consumer nga na huli sa pagbabayad sa tubig, kahit ilang beses mag-sorry, puputulan pa rin ng tubig. Tapos sila, sorry lang, okay na? Sa higit isang milyong residente na nawalan ng malinis na tubig at naharap sa maraming banta sa kanilang kalusugan, anumang paghingi ng paumanhin na walang kaakibat na kompensasyon ay walang halaga. 

Gayundin, kailangang singilin ang Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) sa kanilang kapalpakan bilang regulator ng mga water concessionaire. Taliwas sa kanilang palusot na wala silang kapangyarihan na parusahan at patawan ng multa ang mga water concessionarie, batay mismo sa concession agreements, marami silang puwedeng gawin para siguraduhing tatalima ang mga concessionaire sa kanilang obligasyon sa publiko. Kasama na dito ang kapangyarihan na magparusa at magpataw ng multa.

 Sa unti-unting pagbalik ng suplay ng tubig, bunga na rin ng ating sama-samang panga­ngalampag, patuloy na­ting bantayan ang isyung ito.

Patuloy tayo maging mapagmatyag tungo sa katuparan ng ating mga isinusulong na reporma sa sistema ng water supply at distribution sa ating Maynila.

***

Sa mga nagnanais na magpadala ng katanu­ngang pangkalusugan at pangkababaihan kay Senator Risa Hontiveros, sumulat lamang sa itanongkayrisa@gmail.com.

The post Hindi sapat ang sorry lang: Manila Water kailangang magbayad ng danyos sa water shortage appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *