Hindi napako ang mga pangako

Tatlong taon na ang nakararaan nang magsimula ang termino ni VP Leni Robredo sa Tanggapan ng Pangalawang Pa­ngulo. Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa ating bise presidente, patuloy ang trabaho niya at ng buong opisina para tulungan ang ating mga kababayang nasa laylayan dahil ito na ang pangako niya noong simula pa lang ng kampanya. Lahat ng ito sa pamamagitan ng programang Angat Buhay. Ano nga ba ang Angat Buhay at ano ang nagawa ni VP Leni sa nakaraang tatlong taon para makatulong sa ating mga kababayan?

The post Hindi napako ang mga pangako appeared first on Abante News Online.

hindi napako ang mga pangako - Hindi napako ang mga pangako
Barry kada - Hindi napako ang mga pangako

Tatlong taon na ang nakararaan nang magsimula ang termino ni VP Leni Robredo sa Tanggapan ng Pangalawang Pa­ngulo. Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa ating bise presidente, patuloy ang trabaho niya at ng buong opisina para tulungan ang ating mga kababayang nasa laylayan dahil ito na ang pangako niya noong simula pa lang ng kampanya. Lahat ng ito sa pamamagitan ng programang Angat Buhay. Ano nga ba ang Angat Buhay at ano ang nagawa ni VP Leni sa nakaraang tatlong taon para makatulong sa ating mga kababayan?

Ang Angat Buhay ay isang programang nagtutulay ng tulong mula sa pribadong sektor patungo sa mga komunidad na nasa pinakamalalayo, pinakamaliliit, at pinakamahihirap na sulok ng ating bansa. Layunin ng programa na hanguin ang ating mga kababayan mula sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtuon sa iba’t ibang uri ng adbokasiya.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, walang sapat na badyet ang Tanggapan ng Panga­lawang Pangulo para magkapagpatakbo ng programang tulad ng Angat Buhay. Ngunit dahil sa tulong ng iba’t ibang organisasyon, marami na tayong mga kababayang nabago na ang buhay. Ano na nga ba ang mga pagsulong na nakamit ng Angat Buhay nitong nakaraang tatlong taon?

Isa sa pinakamala­king kontribusyon ng programa ay nakatuon sa pagbangon ng Marawi. Maliban sa isa sa mga unang nakapagdala ng agarang tulong ilang araw mula sumiklab ang laba­nan sa Marawi noong 2017, patuloy ang mga programa ng Angat Buhay para sa rehabilitasyon hindi lang ng mga imprastruktura kung hindi pati na ng mga kababayan nating naapektuhan ng kaguluhan.

Ang Angat Buhay Village ay isa sa mga pinagsikapang ipatayo ng programa kasama ang iba’t ibang partners nito mula sa pribadong sektor. Sa kasaluku­yan, mayroon nang 72 na bahay na nakatayo at ngayo’y tinitirhan na ng mga pamilyang nasalanta ng giyera. Patuloy ding nagaganap ang mga pag-aaral kung paano makapagbibigay ng tulong-pangkabuhayan sa mga kababa­yan natin dito.

Mahalagang maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng gulo kaya’t ilang mga silid-aralan din ang naipatayo para sa mga ating kabataan. Napakalaki rin ng pinsala sa kabuhayan ng ating mga kababa­yan kaya’t kabilang sa proyekto natin para sa Marawi ang mga pagsuporta sa mga naghahabi. Sa kabuuan, nakapaglaan tayo ng tulong na umaabot sa higit P20 milyon para sa Marawi at Lanao del Sur.

Kalusugang pangkalahatan ang isa pang pokus ng Angat Buhay at hindi lang basta mga feeding programs at medical missions ang pinagtuunan ng pansin. Malaking bagay ang pag-alaga sa pang­kaisipang kalusugan o mental health ng ating mga kababayan kaya’t sa tulong ng ating mga partners, nakapagtayo tayo ng mental health facility sa San Remigio, Cebu bilang tugon sa mga na-trauma na biktima ng bayong Yolanda. Kasabay nito, mayroon din tayong programa para sa pangkaisipang kalusugan ng mga biktima ng karahasan.

Iilan lamang ito sa mga adbokasiya sa ilalim ng Angat Buhay program—mayroon pang seguridad sa masustansiyang pagkain, pagpapaunlad sa kanayunan, at pagpapalakas ng kababaihan na kasama rin sa mga proyekto para makatulong sa mga nasa laylayan.

Sa loob ng tatlong taon, umaabot na sa mahigit P343 milyon ang tulong na naipaabot ng Angat Buhay program para sa halos 400,000 na benepisyaryo sa buong bansa—kabilang na ang 213,539 na mga pamilya at 176,092 na mga indibidwal. May tatlong taon pang halos natitira sa termino ni VP Leni, marami pa ta­yong kailangan gawin, at sigurado, gaya ng nakaraang tatlong taon, marami pa tayong magagawa. Ganyan ang uri ng serbisyo ni VP Leni: tahimik pero la­ging maaasahan, hindi nagpapadala sa ingay ng politika at patuloy na nagtratrabaho para sa ating mga Pilipino.

The post Hindi napako ang mga pangako appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *