Hindi hadlang ang pandemya sa giyera kontra droga

Ang tindi talaga ng mga lumilinya sa iligal na droga walang patawad kahit pandemya. Halos araw-araw ay may mga nahuhuling mga sangkot sa iligal ba droga at sangkatutak shabu at iba pang uri ng illegal drugs. Pero wala pa rin silang kadala-dala tuloy pa rin ang kanilang kalokohan. Kaya naman masigasig ang ating kapulisan sa […]

The post Hindi hadlang ang pandemya sa giyera kontra droga first appeared on Abante.

hindi hadlang ang pandemya sa giyera kontra droga - Hindi hadlang ang pandemya sa giyera kontra droga
aksyon - Hindi hadlang ang pandemya sa giyera kontra droga

Ang tindi talaga ng mga lumilinya sa iligal na droga walang patawad kahit pandemya.

Halos araw-araw ay may mga nahuhuling mga sangkot sa iligal ba droga at sangkatutak shabu at iba pang uri ng illegal drugs.

Pero wala pa rin silang kadala-dala tuloy pa rin ang kanilang kalokohan.

Kaya naman masigasig ang ating kapulisan sa paghabol sa mga ito lalo na’t hindi nagbabago ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa lipulin ang iligal na droga sampu ng mga nasa likod ng pagpapakalat nito sa iba’t ibang komunidad.

Katulad na lamang ng pagkakapuntos ng Taguig City Police sa giyerang ito kontra sa iligal na droga.

Malaking isda kasi ang nadale ng mga tauhan ni P/Col. Celso Rodriguez at ito ay ang tinaguriang Tinga Drug Syndicate na pinamumumuan ng isang Patrick Ace Tinga kasama ang mga miyembro niyang sina Jovy Cruz, 30; Elmer Bautista, 34; Wenston Ray Lopez, 20; Jessie Aviles, 24; Jomari Lopez, 19; Chris Klein Lopena, 19; Adrian dela Cruz, 22; John Paul Esteban, 26; at John Christian Roxas, 34.

Dalawang menor de edad naman ang nasagip sa ginawang operasyon kung saan ay nasabat ng mga bata ni Col. Rodriguez ang mahigit tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000; aabot sa 41.7 gramo ng marijuana na may halagang P50,040; tatlong digital weighing scale; dalawang keypad cellphone; isang eco bag; P8,000 na iba’t-ibang pera mula sa ibang bansa; at dalawang P200 bills na merong dusting powder mula sa Southern Police District Crime Lab.

May nakuha ring blue book sa sinalakay na bahay sa Mariano St., Barangay Ususan noong Miyerkules kaya lagot ang mga nakalistang pangalan dito na pulos kliyente diumano ng grupo ni Tinga.

Siyempre pa, natuwa at pinuri ni Taguig Mayor Lino Cayetano ang mga kagawad ng pulisya dahil isa lang daw ang ibig sabihin nito – seryoso sila sa kampanya ng pamahalaan kontra droga at hindi hadlang ang pandemya sa COVID-19 sa labang ito.

“Nais namin na ang bawat Taguigeño ay ligtas. Ibig sabihin nito ay gagawin namin ang kinakailangan na saklaw ng batas upang protektahan ang sambayanan hindi lamang sa COVID-19 kundi pati na rin sa iligal na droga at sa sindikato sa likod ng pagkalat nito,” sabi ni Mayor Lino.

Sabagay, sino naman ang tatamarin at magpapapetik-petik sa kanilang trabaho kung napaka-supportive naman ng kanilang mayor sa pangangailangan ng pulisya?

Kaya ‘yung mga nag-aakalang relax ang pulisya dahil sa COVID-19 pandemic eh nagkakamali kayo. Maglubay na kayo sa iligal n’yong gawain kung ayaw ninyong masampulan.

Good job po sa mga opisyal natin sa Taguig. Kudos sa inyo!

The post Hindi hadlang ang pandemya sa giyera kontra droga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *