Hindi dapat panghinaan ng loob ang media

Noong madaling-araw ng September 9, 2019 ay pinasok ng mga armadong kalalakihan at sinunog ang planta ng pahayagang Abante sa Parañaque City. Isa itong karahasan laban sa media.

hindi dapat panghinaan ng loob ang media - Hindi dapat panghinaan ng loob ang media
Mediaman martin andanar - Hindi dapat panghinaan ng loob ang media

Noong madaling-araw ng September 9, 2019 ay pinasok ng mga armadong kalalakihan at sinunog ang planta ng pahayagang Abante sa Parañaque City. Isa itong karahasan laban sa media.

Ang Malacañang, maging ang aking tanggapan, ang Presidential Communications Operations Office, ay tinitiyak na hindi bibitiwan ang imbestigasyon hangga’t walang nananagot sa karahasang ito, para sa akin ay isang karuwagan. Sa ngayon ay nakatutok si Undersecretary Joel Egco, ang head ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), sa isinasagawang malalimang imbestigasyon para mapanagot ang sinumang nasa likod nito. Kapag pinabayaan lang natin ito, uulitin ng mga kriminal ang kanilang pag-atake sa media at malalagay sa alanganin ang ating press freedom.

Hindi dapat panghinaan ng loob ang media sa mga ganitong uri ng pag-atake. Tinitiyak ko sa ating mga kapatid sa propesyon na nasa inyo ang buong suporta ng ating gobyerno para kayo’y pangalagaan. Sa katunayan, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay kinondena ang criminal act na ito at agad nag-utos ng malalimang imbestigasyon ukol dito.

May mga kritiko ang pamahalaan na agad nagbigay ng malisyosong pahayag na mismong ang administrasyong ito ang nasa likod ng pag-atake sa Abante. Sinasamantala nila ang nangyari para siraan—specifically—ang ating Pangulo.

Pero gusto ko lang pong ipaalala sa lahat na alam ng ating Pangulo at ng kasalukuyang pamahalaan ang importansya ng media. Ang media, bagama’t kritikal kung minsan, ay tumutulong para maipaabot sa ating mga kababayan ang mga programang isinasagawa ng pamahalaan.

Sa katunayan, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong July 23, 2016 ang Executive Order Number 2, o ang Freedom of Information. Ito ay para maging madali para sa mga taga-media at kahit kanino ang pag-access sa mga impormasyon sa mga sangay ng pamahalaan sa ehekutibo. Pinamumunuan ito ni PCOO Assistant Secretary Kris Ablan.

Noong October 11, 2016 ay nilagdaan naman ng ating Pangulo ang Administrative Order Number 1 na lumikha sa PTFoMS para mapangalagaan ang kapakanan at seguridad ng ating mga mamamahayag.

Iyan po ang dalawang patunay kung gaano ka-concern si Pangulong Duterte sa mga taga-media.

Ang dalawang perso­nalidad na sina Usec. Egco ng PTFoMS, at Asec. Ablan ng FOI ay hindi tumitigil sa paglilibot sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa para maibahagi sa ating mga kababayan, lalong-lalo na sa mga nasa media, ang mga programang nasa kani-kanilang portfolio.

Hindi naman tumitigil ang PTFoMS sa pagtulong sa mga taga-media at makikita ang mga update sa personal na Facebook page ni Usec. Egco. Kamakailan binanggit niya na nakatanggap siya ng sulat mula sa Department of Justice noong September 3, 2019 na nagsasabing ang Maguindanao massacre case ay nakasumite na para magkaroon na ng desisyon. Ang kasong ito’y naganap noong November 23, 2009 kung saan karumal-dumal ang ginawang pagpatay sa 58 indibidwal—ang 32 po rito ay taga-media.

Umaasa ako na sana’y lumabas na ang desisyon bago ang ika-10 anibersaryo ng Maguindanao massacre. Karagdagan din po ito sa legacy ni Pangulong Duterte, na ang isa sa karima-rimarim na krimen laban sa mga mamamahayag ay mabibigyan na ng katarungan sa ilalim ng kanyang liderato.

Personal din akong nag-aabot ng tulong sa iba’t ibang local media organization para sa kanilang mga kagamitan gaya ng TV at computer. Marami na akong napagkalooban, ang pinakahuli ay nitong September 14, 2019 kung saan nag-donate ako ng laptop sa Zamboanga Del Norte Press Club.

Sa bulsa ko at bulsa ng kaibigan ko na si Senator Bong Go po nanggagaling ang ipinambibili ko ng mga kagamitang ito dahil mahirap na ang masilip ng Commission on Audit. Nagsabi ako sa aking maybahay na ang midyear at Christmas bonus ko ay gagamitin ko na lang sa ganitong inisyatiba.

Anyway, nagkataon na ang ZN Press Club ay nagdaraos ng campus journalism seminar and workshop kaya nagsalita na rin ako sa harap ng mga batang nagnanais na maging mamamahayag sa hinaharap. Sa huli, pinayuhan ko sila na may iisang napakahalagang pundasyon ang pamamahayag, at iyon ay ang sabihin ang buong katotohanan at wala ng iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *