Handa na ba ang DepEd?

Matagal nang may agam-agam ang mga magulang sa itinakda ng Department of Education hinggil sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24.

handa na ba ang deped - Handa na ba ang DepEd?
Zaldy Co Bicolano Ako 3 750x430 6 - Handa na ba ang DepEd?

Matagal nang may agam-agam ang mga magulang sa itinakda ng Department of Education hinggil sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24.

Tanong ng ilang magulang, papapasukin ba nila ang kanilang anak kung hindi
pa naman lubusang napupuksa ang coronavirus disease sa buong mundo? Nuong sanggol pa lamang ang kanilang anak, ni ayaw nga nilang padaluan sa lamok ang mga ito.

Ito pa kayang virus na maaaring ikamatay ng kanilang anak.

Kaya nga si Pangulong Rodrigo Duterte, nakapagsalita nitong Lunes na hindi niya papayagang magbukas ang klase hanggang walang nadidiskubreng bakuna laban sa coronavirus. Sabi ng Pangulo: “I will not allow the opening of classes na magdikit dikit ‘yang mga bata.

Bahala nang hindi makatapos.” Dagdag pa niya, useless na pag-usapan ang opening ng classes kung wala pang bakuna laban sa nasabing virus.

Pero agad na nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag ng Pangulo. Sabi ni Roque, habang wala pang bakuna at mayroon pang community quarantine, hindi magkakaroon ng face-to-face na klase ang mga mag-aaral. Maaari pa rin naman daw ipagpatuloy ang pagbubukas ng klase dahil puwedeng gamitin ng DepEd sa kanilang pagtuturo ang telebisyon, radyo at internet.

Madaling sabihin na may plano silang flexible learning, ang tanong ay kung epektibo ba itong maipatutupad? Kung sa mga mag-aaral na taga-lungsod, maaaring makasubaybay sila sa klase sa pamamagitan ng telebisyon, radyo at internet. Pero paano naman yung mga mag-aaral na gasera lang ang ginagamit sa bahay?

May survey na isinagawa ang Asia Foundation at sinasabing 15% lang ng mga guro ang sumabak sa training sa alternative delivery modes.

So kung ipatutupad ang hybrid learning, 85% ng mga guro ang nganga sa ganitong uri ng sistema.

Patapos na ang Mayo at parating ang buwan ng Hunyo.

Ngayon lang ba sasanayin ng DepEd ang mga guro? Kaya ba ito sa
loob ng higit dalawang buwan?

May konsepto na ang DepEd sa hybrid o distance learning para maipagpatuloy ang pagbubukas ng klase sa gitna ng coronavirus disease pandemic.

Sa ngayon, maituturing pa lang itong ‘drawing’ ika nga dahil salat pa sa detalye. Tanong ko lang, paano maipatutupad ang social distancing sa isang classroom na may 50 mag-aaral? Hindi naman isang milyong estudyante lang ang balik-eskuwela sa Agosto 24 kundi 22 milyon mula sa public at 5 milyon mula sa pribadong eskuwelahan.

Handa na ba talaga ang DepEd para maipatupad ang new normal sa balik-eskuwela ng mga estudyante?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *