Gurang na gerilyang Pilipino

Noong 16 Hunyo 2019, kasama ang Tagapangulo ng National Historical Commission of the Phi-lippines na si Dr. Rene Escalante, ang kapatid niyang si Ronnel at si Prop. Van Ybiernas, tumungo kami sa Casiguran, Sorsogon upang makipagkita kay Ramon Bañares Escudero. Dala niya ang dalawang mahahalagang orihinal na larawan at ang mismong bastong bakunawa o espiritung ahas ng kanyang lolo, ang dating gobernador at pinuno ng mga gerilya sa Sorsogon noong panahon ng digmaan, si Salvador “Gurang” Escudero, III, lolo sa tuhod ni Gobernador Chiz Escudero.

gurang na gerilyang pilipino - Gurang na gerilyang Pilipino
Abante Xiao Chua Xiao Time 1 - Gurang na gerilyang Pilipino

Noong 16 Hunyo 2019, kasama ang Tagapangulo ng National Historical Commission of the Phi-lippines na si Dr. Rene Escalante, ang kapatid niyang si Ronnel at si Prop. Van Ybiernas, tumungo kami sa Casiguran, Sorsogon upang makipagkita kay Ramon Bañares Escudero. Dala niya ang dalawang mahahalagang orihinal na larawan at ang mismong bastong bakunawa o espiritung ahas ng kanyang lolo, ang dating gobernador at pinuno ng mga gerilya sa Sorsogon noong panahon ng digmaan, si Salvador “Gurang” Escudero, III, lolo sa tuhod ni Gobernador Chiz Escudero.

Sa Sorsogon, nagkaroon ng dalawang magkaribal na grupo ng geril-ya, ang grupo sa ilalim ng Philippine Constabulary Commander ng Sorsogon na si Major Li-cerio Lapus at ang yunit ni Salvador Escudero. Sa lahat ng kausapin namin, tumatak talaga ang kuwento na sila mismo ang naglaban-laban. Lumalabas pa na saling pusa lamang ang mga Hapones sa internal conflict ng mga taga Sorsogon dahil malayo naman sila Maynila at iilan lamang ang mga Hapones sa lugar.

Hindi naglaon, habang nakikipag-ugnay si Lapus sa mga gerilya ng Samar at Leyte ay bigla na lamang siyang naglaho. Walang nakaaaalam kung ano ang nangyari sa kanya. Ngunit ipinagpatuloy ng Escudero Unit ang kanilang pakikibaka.

Sa kabila ng pagkakahati, nagtagumpay pa rin silang limitahan ang kontrol ng mga Hapones sa mga sentro lamang ng bayan. Pinakaepektibo sila sa pagkalap ng impormasyon na naipasa sa mga Amerikano at iba pang gerilya at nakaambag sa pagwawagi ng buong digmaan: Mga uri at posisyon ng mga eroplano, sasakyang pandagat, imbakan ng mga pagkain, kuryente, gamit pangkomunikasyon; Pagkakakilanlan at ranggo ng kanilang mga opisyales.

Gumawa ng mga mapa ng “terrain” ng Bicol, mga daan, tulay at posibleng lapagan ng eroplano.

Kaiba sa tradisyunal na pakikibaka, ang digmaang “gerilya” o “maliit na giyera” ay hindi kinakailangan ng dami ng tao kundi istratehiya kabilang na ang biglaang pag-ambush sa mga kalaban. Tulad ng mga sinaunang ninuno natin at ng Katipunan, tumungo sila sa kabundukan at gumawa ng mga nagsasariling pamayanan at sinuportahan din ng mga kapwa nila Pilipino. Kinilala ng Amerika at ng pamahalaan ang mga naiambag ng Escudero Unit sa kuwento ng kalayaan.

Alaala ng apo niyang si Ramon sa lolo niyang beterano na si Gurang, “Tinuruan niya kami noon na kapag may galit kami sa isang tao, huwag naming pagalitan sa maraming tao, dapat kaming dalawa lang, dahil ang sabi niya, kung kayong dalawa lang, …kahit anong sabihin mo hindi magkakaroon yan ng sakit ng loob dahil wala namang nakarinig. Pero kung maraming tao na, hindi mo na alam kung anong gagawin noon sa iyo.”

Ang kabayanihan ni Gurang at mga kasamang beterano ang itatampok sa “Museo ng Gerilyang Pilipino sa Sorsogon” na papasinayaan sa darating na Oktubre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *