Good news! Naisabatas na ang 20% student discount sa mga pampublikong transportasyon

Ganap na pong batas ang Republic Act 11314 o ang Student Fare Discount Act! School ID lamang ang kailangang ipakita at may 20% discount na ang milyong-milyong mga mag-aaral ng elementar­ya, high school, kolehiyo at technical-vocational sa anumang uri ng public transportation sa buong bansa.

The post Good news! Naisabatas na ang 20% student discount sa mga pampublikong transportasyon appeared first on Abante News Online.

good news naisabatas na ang 20 student discount sa mga pampublikong transportasyon - Good news! Naisabatas na ang 20% student discount sa mga pampublikong transportasyon
Abante Win Gatchalian Win sa Edukasyon - Good news! Naisabatas na ang 20% student discount sa mga pampublikong transportasyon

Ganap na pong batas ang Republic Act 11314 o ang Student Fare Discount Act! School ID lamang ang kailangang ipakita at may 20% discount na ang milyong-milyong mga mag-aaral ng elementar­ya, high school, kolehiyo at technical-vocational sa anumang uri ng public transportation sa buong bansa.

Sakop ng batas na ito, kung saan tayo po ay co-author sa bersyon nito sa Senado, ang pagsakay sa jeep, bus, UV Express van, taxi, transport network vehicle service (TNVS), barko, eroplano at tren–MRT, LRT at PNR.

Ang hindi naman kasama sa serbisyo nito ay ang mga estudyanteng naka-enrol sa mga informal short-term courses tulad ng ­dancing, music, swimming at driving lesson, maging ang post-­graduate studies tulad ng medicine, law, masters at doctorate degree.

Una nating inihain ang mga panukala noong nakaraang ika-17 Kongreso noong 2016 na Senate Bill 1226 o ang Student Privilege Act at ang Senate Bill 1597 o ang Student Fare Discount Act na pinangunahan ng ating seatmate na si Senator Sonny Angara.

Sa pag-aaral kasi, alam naman natin na karamihan sa ating mga mag-aaral ay problemado na sa kaliwa’t kanang gastusin sa eskuwelahan kasama na rito ang requirements sa project, school supply, pagkain at pamasahe papuntang school at pabalik ng kanilang bahay.

Marami sa ating mga estudyante ay limitado lamang ang allowance o baon kada araw dahil kulang ang kinikita ng kanilang mga magulang. Kung minsan, naisasakripisyo nila ang kanilang pagkain o nag­lalakad na lamang sila papuntang paaralan at pag-uwi ng bahay.

Mayroon namang kasalukuyang diskuwento para sa mga estudyante. Ngunit, tuwing Lunes hanggang Biyernes, mga summer class, mula Hunyo hanggang Marso lamang tinatanggap ito. Isa pa, hindi rin kabilang ang mga holiday.

Pero simula sa pagpapatupad ng batas na ito, wala nang limitasyon. Buong linggo at pati holiday na maaaring magamit ang nasabing discount para sa mga estudyante taon-taon.

Kaya kung mapatunayang may paglabag sa batas ang anumang public transportation utility ay sususpendihin ang lisensya ng driver ng isang buwan para sa first offense, dalawang buwan para sa second offense, tatlong buwan naman para sa third offense at tatlong buwan na may kasamang multang P1,000 multa sa bawat kasunod na paglabag.

Naniniwala po tayo na ang diskuwento sa pasahe ay malaking ginhawa sa pang-araw-araw na gastusin hindi lamang ng mga mag-aaral kundi lalo pa ng kanilang mga magulang. Kaya naman, huwag sana itong maipagkait sa kanila, at sa halip ay talagang masulit nila nang lubos!

The post Good news! Naisabatas na ang 20% student discount sa mga pampublikong transportasyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *