Giyera ni Gierran sa PhilHealth corruption

Itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong pinuno ng PhilHealth si dating NBI Director Dante Gierran. Bilang bagong PhilHealth President at CEO, siya ang pumalit kay Ricardo Morales na kabibitiw lang sa gitna ng kotrobersya ng corruption na bumabalot sa sistema at operasyon ng ahensya.

The post Giyera ni Gierran sa PhilHealth corruption first appeared on Abante.

giyera ni gierran sa philhealth corruption - Giyera ni Gierran sa PhilHealth corruption
Senator Ralph Recto Usapang Barako 17 3 - Giyera ni Gierran sa PhilHealth corruption

Itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong pinuno ng PhilHealth si dating NBI Director Dante Gierran. Bilang bagong PhilHealth President at CEO, siya ang pumalit kay Ricardo Morales na kabibitiw lang sa gitna ng kotrobersya ng corruption na bumabalot sa sistema at operasyon ng ahensya.

Bagama’t mas gugustuhin sana natin na sinundan ang mga kwalipikasyong itinatakda ng batas (RA 11223 o Univesal Health Care law) sa bagong talagang pinuno ng PhilHealth, nag desisyon na ang Pangulo at umaasa tayo na kayang gampanan ni Gierran ang malaking responsibilidad sa ahensya.

Isang CPA lawyer si Gierran. Isinasaad ng RA 11223 na ang itatalaga ng Pangulong pinuno ng PhilHealth ay magmumula sa rekomendasyon ng Board. Kinakailangang nagtataglay sya ng hindi bababa sa 7 taong panunungkulan sa linya ng “public health, management, finance, at health economics, o kombinasyon ng mga nabanggit na kagalingan”.

Inamin ni Gierran na wala syang karanasan sa public health subalit may kaalaman sa financial management at insurance.

Umaasa tayo na magagawa ni Gierran ang hindi nagawa ng mga nagdaang hepe ng PhilHealth. Na malilinis nya ang pangalan ng ahensyang nagkalamat sa dami ng akusasyon ng corruption. Na may sikmura sya para tindigan ang mga astig na mafiang naghahari-harian doon sa matagal na panahon gamit ang pondo ng PhilHealth.

Panghahawakan din natin ang pangako nya na ibabalik nya ang nasirang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa ahensya.

Kailangan nya ang suporta ng lahat upang magtagumpay sa bagong trabaho. Malaking bagay ang kanyang pagiging accountant upang mabantayan ang tamang paggastos ng P140 bilyong pondong hinahawakan ng PhilHealth kada taon.

Sa panayam kay Gierran ilang oras matapos ianunsyo ang kanyang appointment, sinabi nyang makakatulong sa kanyang trabaho ang kanyang kaalaman sa pag-imbestiga at accounting. Uunahin daw nyang alamin ang financial condition ng PhilHealth simula sa pagtingin sa financial statement, savings at bonds.

Tamang direksyon iyan. Sa tagal na panahon kong hinihingi ang financial statement ng PhilHealth – bago pa man magsimula ang hearing sa Senado kaugnay ng mga kalokohan sa ahensya – hanggang ngayon ay wala pa rin itong ibinibigay.

Mabigat ang trabahong susuungin ng bagong pinuno ng PhilHealth. Malawak ang constituency nya. May 59 milyong paying members ang PhilHealth, subalit 109 milyon ang kabuoang constituents nito buhat ng ipatupad ang Universal Health Care law.

Isang magandang pangitain ang pahayag ni Gierran na gusto nyang magtagumpay sa kanyang bagong trabaho. Kahit may takot syang nararamdaman sa laki ng responsibilidad, hindi raw ito magiging balakid sa mga plano nyang reporma sa ahensya. At kung makitang hindi nya pala kaya ang trabaho, sasabihin nya sa Pangulo.

Malalaman natin sa mga darating na araw, linggo o buwan kung kaya nyang i-deliver ang mga binitiwang pangako.

Samantala, bigyan natin sya ng pagkakataong mamuno at isaayos ang PhilHealth. Suportahan natin ang deklarasyon nyang gyera sa baluarte ng mga buwaya.

The post Giyera ni Gierran sa PhilHealth corruption first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *