Forever sa EDSA

Dear Abante:
Hindi na bago para sa lahat ng commuters, mga naninirahan, mag-aaral at nagtratrabaho dito sa Metro Manila na ang everyday agony ay kung papaano makakaalpas sa EDSA, patungo sa mga trabaho o eskuwelahan na mukha pa ring fresh.

forever sa edsa - Forever sa EDSA
Sulat kay Editor 1 - Forever sa EDSA

Dear Abante:
Hindi na bago para sa lahat ng commuters, mga naninirahan, mag-aaral at nagtratrabaho dito sa Metro Manila na ang everyday agony ay kung papaano makakaalpas sa EDSA, patungo sa mga trabaho o eskuwelahan na mukha pa ring fresh.

Ilang beses ginawa ang dry run may nangyayari po ba hanggang dulo? Ilang beses nang sinubukang tanggalin ang mga jeep, lumang bus sa EDSA may resulta po ba? At kung ano-ano pang diskarte mapaganda lang ang daloy ng mga sasakyan umubra po ba? Wala, wala, wala!

Ang problema po kasi ay mismong sa ating mga Pilipino, tayo ang unang lumalabag sa sarili nating batas, mga Pinoy sa ibang bansa ay istriktong sinusunod ang batas, mula sa tamang pagtapon ng basura, pagtayo sa kanang bahagi ng escalator, tamang pagsakay, pagbaba sa pampublikong sasakyan, pagtawid at pagparke sa sasakyan.

Pero kapag nasa ating bansa akala mo kung sinong mga siga na kung saan-saan magtatapon ng basura, tatawid sa mga ‘di tawiran at magagalit pa kung di agad ihihinto ng mga tsuper ang bus o jeep kapag sinabing “PARA MAMA, DIYAN LANG SA TABI, PARAAAA!”.

Kung talagang gusto natin na maayos ang lahat, bakit po di natin subukan ‘yung 100% pagpapatupad ng mahigpit ng ating mga batas, huwag maging ningas kugon ang mga awtoridad sa pagpapatupad, hindi yung kikilos lang kapag may nakatingin.

Bakit di buksan ang mga parking area ng mga mall sa gabi para gawing parkingan ng mga may sasakyan, kasabay ng mahigpit na kasunduan na magbabayad sa murang halaga.

Para naman hindi parusa o sumpa sa kasalukuyang commuters ang sinasabing may FOREVER TRAFFIC SA EDSA.
Raffy G.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *