Fitch Ratings kinilala ang matatag na ekonomiya ng bansa

Ang Fitch Ra­tings ang isa sa tatlong major international credit rating agencies na kamakailan lang ay kumilala sa matatag na ekonomiya ng Pilipinas at nagpahayag ng positive outlook sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

fitch ratings kinilala ang matatag na ekonomiya ng bansa - Fitch Ratings kinilala ang matatag na ekonomiya ng bansa
Karlo Nograles KalihimNatin 22 - Fitch Ratings kinilala ang matatag na ekonomiya ng bansa

Ang Fitch Ra­tings ang isa sa tatlong major international credit rating agencies na kamakailan lang ay kumilala sa matatag na ekonomiya ng Pilipinas at nagpahayag ng positive outlook sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Ginawang “positive” ng Fitch Ratings ang outlook nito sa Pilipinas mula sa da­ting “stable” dahil sa matatag na macroeconomic policy framework ng ating bansa — ang pundasyon ng mabilis na paglago ng ating ekonomiya at siyang tagatukod nito sa kabila ng mga dagok ng kalamidad at iba pang mga hamon.

Bagama’t nananatili tayo sa “BBB” rating, binago naman ng Fitch ang kanilang pananaw mula sa “stable” patungo sa “positive.”

Inaasahan ng nasabing credit rating agency na ipagpapatuloy ang tinatawag na fiscal reforms na isinusulong ng pamahalaan na siyang tumitiyak sa mga foreign creditor ng Pilipinas na sila ay mababayaran dahil maayos na naipatutupad ang pagkolekta ng buwis ng pamahalaan.

Ang positibong pana­naw sa pangkalahatan ay nangangahulugan na may mas malaking pagkakataon tayo sa mas magandang ra­ting. Mas maganda kasi para sa Pilipinas ang isang rating na mas malapit sa antas na “A” para payagan ang Pilipinas na makahiram ng pera sa mga pandaigdigang institusyon sa pananalapi sa mas murang interest rates. Ang credit sco­ring ay nagpapatunay sa kakayahan ng isang matatag na ekonomiya na kaya nitong magbayad sa takdang oras.

Ang Pilipinas ay binigyan ng “BBB” rating ng Flitch mula pa noong Disyembre 2017. Ang counterpart nitong S&P Global Ratings ay nagbigay rin sa bansa ng mas mataas na “BBB+” ra­ting noong Abril 2019.

Ayon sa Fitch, inaasahan nilang aangat ang ekonomiya ng bansa ng hanggang 6.4% ngayong taon at 6.5% sa 2021 — mula sa dating 5.9% na naitala ng Pilipinas noong nakaraang taon.

Dahil sa patuloy na malakihang paggasta at nakitang pagtaas ng pamumuhunan sa imprastruktura para suportahan ang aktibidad sa ekonomiya, isa ang Pilipinas sa nakikinitang mananatili sa klasipikasyon ng mga bansang pinakamabilis na lumalago sa rehiyon.

Bagama’t nagbabala ang Fitch Ratings na maaaring makaapekto ang coronavirus outbreak sa ekonomiya ng Pilipinas gayundin ang mga kalamidad, sinabi nitong hindi kasinglaki ang epekto nito sa atin kumpara sa iba nating kapit-bansa sa rehiyon dahil maliit lang ang kontribusyon ng tu­rismo sa ekonomiya ng bansa at mabilis na nakakabangon ang Pilipinas sa mga kalamidad.

Ang kasalukuyang mga reporma na ginagawa ng ating gobyerno upang palakasin ang institutional effectiveness, human capital at business environment ay magdadala sa Pilipinas sa mas mabilis na pag-unlad at ha­hantong sa paglago ng ekonomiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *