Feel mo ba tumira sa condo?

Boom ngayon ang pagtatayo ng mga c­ondominium sa bansa at maraming nahihikayat na tumira rito.

The post Feel mo ba tumira sa condo? appeared first on Abante News Online.

feel mo ba tumira sa condo - Feel mo ba tumira sa condo?
condominium - Feel mo ba tumira sa condo?

By Mina Aquino

Boom ngayon ang pagtatayo ng mga c­ondominium sa bansa at maraming nahihikayat na tumira rito.

Ngunit kailangang timbangin ang kalamangan at kahinaan ng pamumuhay sa condo at kung ano ang mga dapat mong malaman bago magdesisyong bumili o umupa.

Iba’t iba ang makakasalamuha mong mga tao lalo na sa mga isinagawang open house ng condo. And-yan ang mga first buyer na naghahanap upang makapasok sa merkado, namumuhunan, siyempre andiyan din ang mga gustong mapaliit ang kanilang espasyo at responsibilidad.

Ang mga condo ay maaaring low-rise buildings, townhouses, freestanding houses, duplexes, triplexes o mga “mixed use” na mga gusali, tulad ng mga condo sa itaas ng mga tanggapan o mga front store.

Maaari silang maging brand new, re-sell o mga conversion – ang mga gusaling ginagamit upang maging mga apartment o mga pabrika ay na-ging mga condo.
Ang kaibahan ng freehold houses, ay nagmamay-ari ka ng unit, may lupa, gusali at karaniwang lugar na maari mong gawin ang gusto mo basta’t hindi nakakalabag sa batas.

Isa sa mga nakakahikayat upang bumili ng condo ay ang kalayaan mula sa maintenance dahil wala ka ng oras, pagnanais o kakayahang harapin – tulad ng pagputol ng mga damo o pag-aayos ng mga istruktura sa labas. Ang buwanang bayad sa condo ay sumasakop sa mga serbisyong ito.

Kung ang pamumuhay mo at mas gusto mong tumira sa isang palapag na may isa o dalawang kuwarto, mas mabuting kumuha na lang ng condo kaysa mag-renta.

Isa rin sa nakakaakit sa condo ay ang amenities nito tulad ng pool at recreation room na nagbibigay ng mga pagkakataon upang makihalubilo sa mga kapitbahay.

May ilang condo ang nag-aalok ng mga benepisyo na hindi mo makikita sa isang bahay o apartment – tulad ng isang theater room, gym, swimming pool at party room.

Gayundin ang mga condo ay may mahigpit na seguridad kaysa sa isang freehold home o pag-upa.

The post Feel mo ba tumira sa condo? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *