Facebook pa more!

Kung paniniwalaan  ang isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Marso, lumilitaw na bahagi na talaga ng buhay ng maraming Pinoy ang Facebook. 

The post Facebook pa more! appeared first on Abante News Online.

facebook pa more - Facebook pa more!
Abante Rey Marfil Spy on the job - Facebook pa more!

Kung paniniwalaan  ang isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Marso, lumilitaw na bahagi na talaga ng buhay ng maraming Pinoy ang Facebook. 

Pero bago natin pag-usapan ang FB, napansin ng ating kurimaw na maraming komento sa Facebook ang tila ‘di sang-ayon sa naglalabasang pahayag ng mga opisyal natin tungkol sa isyu ng pagbangga ng mga Chinese sa bangka ng mga kababayan nating ma­ngingisda sa Recto Bank.

Bukod sa pakiramdam ng iba na mas kinakampihan ng administrasyon ang mga nakabanggang Tsino, nadagdagan pa ngayon ang isyu dahil lumilitaw na payag pala ang pamahalaan na ma­ngisda sa Recto Bank ang mga Tsino kahit pa pasok ito sa exclusive economic zone o EEZ ng Pilipinas.

Simple lang ang dahilan ng Palasyo kaya puwede raw mangisda roon ang mga Tsino: friends daw kasi ang China at Pilipinas. Tanong ng ating kurimaw, kung friendship ang batayan para payagang mangisda doon ang mga Tsino, puwede rin bang mangisda doon ang mga Vietnamese, Malaysian, at iba pang BFF countries ng Pilipinas? 

Hindi raw kaya maubos ang political capital o popularidad ng gobyerno sa isyung ito ng West Philippine Sea kung mananatiling malambot sila sa mga pahayag kontra sa China? Aba’y tingnan natin sa susunod na mga survey.

Nabanggit na rin lang natin ang survey, naglabas ng ulat ang Social Weather Station (SWS) kamakailan tungkol sa isinagawa nilang survey noong Marso tungkol sa bilang ng mga Pinoy na gumagamit ng internet at Facebook. 

Lumilitaw na makalipas ang mahigit 10 taon, halos kalahati na ng populasyon ng Pilipinas ang nag-i-internet. Kung noong June 2006 ay walong porsiyento lang ang nag-i-internet, umangat ito sa 27 percent noong March 2013, at nasa 46 percent na nitong March 2019. Sa lagay na ‘yan mga tsong ay hindi pa maganda ang bilis ng internet sa atin at marami pang lugar ang walang wi-fi. Isipin niyo na lang kapag dumami na ang may free wi-fi at data, at kasing bilis ng metro ng taxi na may batingting ang koneksyon, eh ‘di lalo na.

Lumitaw din sa survey na mas marami ang babae na nag-i-internet [50 percent], kumpara sa mga lalaki [41 percent]. Bakit kaya? Ang nasa isip kasi ng isa nating kurimaw, mas marami ang Pinoy dahil marami ang bumibisita sa mga porn site. Hindi rin naman nabanggit sa survey kung gaano katagal nagbababad ang mga kababayan natin sa internet. 

Nakasaad din sa isa pang ulat tungkol sa survey na halos karamihan ng nag-i-internet ay may FB account. Ang matindi, hindi lang para makipagsosyalan ang dahilan ng kanilang pag-e-FB dahil ito na rin pala ang pa­ngalawang pinagkukunan nila ng impormasyon sa balita, kasunod ng telebisyon.

Kaya naman dapat lang na higpitan ng FB ang mga napo-post sa kanilang social media site para hindi makalusot ang mga fake news. Ang mga responsableng netizens, dapat ireport agad ang makikita nilang fake news para maalis kaagad sa post. Marami pa rin kasing FB users na kulang ang kaalaman sa pagtingin sa tunay at pekeng balita, at nagagawa pa nilang i-share ang peke.

Ngayong katatapos lang ng eleksyon, asahan na mas titindi pa siguro ang propaganda ng mga politika sa 2022 presidential elections lalo na kung dadami pa ang mga mag-i-internet at magkakaroon ng FB accounts kapag nag-operate ang third telco na inaasahang magbibigay ng matinding kompetisyon sa serbisyo at bilis ng internet. Iyon nga lang, huwag naman sanang gamitin sa kalokohan ang internet.  Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Facebook pa more! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *