Ex-mayor babad sa abroad matapos matalo

bubwit-ni-deo-macalma

Alam niyo bang masamang-masama pa rin ang loob ng isang natalong kandidatong mayor sa Metro Manila na sa sobrang lungkot ay mukhang ayaw na munang bumalik sa bansa.

The post Ex-mayor babad sa abroad matapos matalo appeared first on Abante News Online.

ex mayor babad sa abroad matapos matalo - Ex-mayor babad sa abroad matapos matalo
bubwit ni deo macalma - Ex-mayor babad sa abroad matapos matalo

Alam niyo bang masamang-masama pa rin ang loob ng isang natalong kandidatong mayor sa Metro Manila na sa sobrang lungkot ay mukhang ayaw na munang bumalik sa bansa.

Ayon sa aking bubwit, kinukumusta si dating mayor ng kanyang mga lider at supporters pero hindi siya sumasagot sa text messages at kahit sa kanilang mga group chat, basta total dedma si sir sa kahit sino.

Kasama sa hindi pinapansin ni kandidato ang no.1 niyang supporter at alalay na kilala sa kanilang lungsod. Eh kung ang no.1 niyang supporter ay hindi niya pinapansin paano pa kaya ‘yung iba, ‘yung kanya kayang mga kaanak kinakausap niya o sinasagot n’ya sa kanilang mga chat?

Ayon sa aking bubwit, malalim ang iniwang sugat kay sir ng nagdaang eleksyon dahil last minute noong panahon ng kampanya, ‘yung panahon na kailangan silang mamudmod sa mga botante ng tulong para gumanda ang tsansa niya sa botohan, ay naunsyami, napurnada, nada, luhaan.

Ayon sa aking bubwit, ‘yung nalikom nilang pondo na ibubuhos sana sa kanyang kampanya bago ang araw ng botohan ay nawala. Yes mga pare at mare, nawalang parang bula ang naipong itinatabi nilang pera na pambili sana ng boto este suporta sa constituents ng lungsod.

Ayon pa sa aking bubwit, kagagawan ng isa ring miyembro ng inner circle ni sir ang may kasalanan kaya nawala ang nalikom at pinakaiingatan nilang pondo para sana sa crucial leg ng kampanya sa nagdaang eleksyon.

Kaya pala ganun na lang ang panlulumo ni sir, ‘yun palang pinakaimportante nilang strategy sa nagdaang eleksyon ay hindi umandar dahil nawalan ng gasoline, eh ang tanong saan o kanino napunta ang pondo?

Diyan masamang-masama ang loob ni sir na nang matalo ay nag-alsa balutan at tumakbo sa abroad. Ang tanong ay kung sandali lang ba ito at babalik din siya kapag naka-recover na o tuluyan nang maninirahan sa ibang bansa.

Ang nasa abroad na dating mayor matapos matalo sa inambisyong comeback sa malaking lungsod sa Metro Manila ay si Mayor ‘JJ’.

The post Ex-mayor babad sa abroad matapos matalo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *