‘Eksperimento’ sa mga estudyante

Marami ang napa-susmaryosep mga tropapips sa sinabi ni Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na mas malaki pa raw ang posibilidad na mahawa ng COVID-19 ang mga bata habang nasa kanilang mga bahay kaysa nasa paaralan sila.

The post ‘Eksperimento’ sa mga estudyante first appeared on Abante.

eksperimento sa mga estudyante - ‘Eksperimento’ sa mga estudyante
columnists SPY ON THE JOB REY MARFIL Orig2 - ‘Eksperimento’ sa mga estudyante

Marami ang napa-susmaryosep mga tropapips sa sinabi ni Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na mas malaki pa raw ang posibilidad na mahawa ng COVID-19 ang mga bata habang nasa kanilang mga bahay kaysa nasa paaralan sila.

May plano kasi ang DepEd [at binigyan na ng go signal ng pamahalaan habang isinusulat natin ito] na payagan ang face to face classes o pagpasok ng mga bata sa mga paaralan sa mga lugar na mababa o walang hawahan ng virus.

Gagawin ito simula sa Enero 2021 at kailangang sang-ayon ang mga magulang ng mga bata na pumasok ang kanilang mga anak sa eskwelahan. Dapat may pahintulot din ang lokal na pamahalaan na payagang magbukas ang eskwelahan sa kanilang lugar.

Iyon nga lang, maraming magulang ang tila nangamba sa plano at hindi sang-ayon sa sinabi ni Briones na mas malaki ang tsansang mahawa ng COVID ang bata kung nasa bahay lang kaysa nasa paaralan.

Pero bago manlaki ang mata nyo mga tropapips at kumulo ang dugo kay Sec. Briones, ang binabanggit na katwiran ng kalihim ay mula sa pahayag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), na humihiling sa mga gobyerno na payagan ang face to face class para hindi masyadong maapektuhan ang pag-aaral ng mga bata.

Marami raw kasing bansa na lahatan kung magdeklara ng pagsasara ng eskwelahan sa halip na piliin lang batay sa dami ng kaso sa isang lugar. Bukod dito, marami na rin daw paraan para maprotektahan ang mga mag-aaral at makaiwas sa virus.

Kung iisipin mga tropapips, may mga lalawigan o bayan o barangay nga naman na mababa o walang kaso ng COVID. At maraming lugar ang palpak ang internet signal kaya hirap ang mga bata at mga magulang sa modular o online class. Kaya naman mas gugustuhin siguro ng mga bata at mga magulang na dumalo na lang sa klase ang kanilang anak lalo na siguro sa mga lalawigan.

Pero marami talaga ang magtataas ng kilay kapag ginawang pangkalahatan na katwiran at sabihing mas ligtas ang mga bata sa COVID kung nasa eskwelahan sila kaysa nasa bahay. Saan-saan bansa raw kaya ito? Pareho rin kaya ng sitwasyon ng bansa nila ang sitwasyon ng COVID cases sa Pilipinas?

Ang pilosopong hirit ng kurimaw natin na laging naki-kickout sa paaralan, aba’y kung delikado ang mga bata sa bahay, bakit hindi pa sila payagan na mag-mall at mamasyal sa kung saan-saan para bihira na lang silang maglagi sa bahay.

Kung setup ng eskuwelahan sa mga probisya ang pag-uusapan na kadalasan nilalakad lang ng mga bata ang paaralan, posibleng uubra ang face to face class kung salitan o palitan ang pasok ng mga bata bawat araw, at mas maigsi lang muna ang oras ng klase.

Bukod pa diyan ang mahigpit na pagpapatupad ng minimun health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, laging paghuhugas ng kamay o alcohol, at distancia amigo ika nga.

Pero sa kalunsuran [gaya sa Metro Manila] na may mga estudyante na kailangan sumakay ng jeep o tricycle para makarating sa kanilang mga paaralan, aba’y baka sa pagbiyahe naman nila makuha ang virus na made in China, kung hindi man sa loob ng klase. Hindi naman siguro sila papayagan na magbisikleta?

Marahil may ilan din na magtaka kung bakit kailangan pang ihabol ang eksperimento ng face to face class sa Enero gayung ilang buwan na lang eh tapos na ang 2020-2021 school year at baka pagdating ng Marso eh may bakuna na tayo sa COVID.

Kahit mapatunayan naman na ligtas nga ang face to face class sa mga paaralan na kasama sa eksperimento, isusugal naman kaya ang ibang mga magulang ang kaligtasan at buhay ng kanilang mga anak sa COVID-19 para sa ngalan ng edukasyon? Iyan ang napakalaking tanong. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post ‘Eksperimento’ sa mga estudyante first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *