EJK lang ba ang mahalaga sa UN?

Dear Abante,
Maingay na maingay itong sinasabing dapat na gawan ng imbestigasyon ng UN ang diumano’y extrajudicial kil­lings (EJK) na nangyayari sa Pilipinas. Ito ay ang sinasabing madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

The post EJK lang ba ang mahalaga sa UN? appeared first on Abante News Online.

ejk lang ba ang mahalaga sa un - EJK lang ba ang mahalaga sa UN?
Sulat kay Editor - EJK lang ba ang mahalaga sa UN?

Dear Abante,
Maingay na maingay itong sinasabing dapat na gawan ng imbestigasyon ng UN ang diumano’y extrajudicial kil­lings (EJK) na nangyayari sa Pilipinas. Ito ay ang sinasabing madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Sabi sa report, halos 20 bansa ang nagsasabi na kinakaila­ngang imbestigahan ang isyung ito. Pero sa panig ng Pilipinas o ng administrasyong Duterte ay hindi nila tatanggapin ang anumang inquiry kaugnay nito dahil wala namang nalalabag na karapatan sa isinasagawang operasyon.

Lumilikha ng ingay ang usaping ito sa international community pero bakit hindi maging maingay at gawan din ng aksyon ang massacre na ginagawa ng komunistang teroristang na New People’s Army (NPA)? Masyado bang selective ang international community o ang United Nations sa mga bagay o aspeto na dapat na tignang mabuti at bigyan ng aksyon?

Naiisip ba nila ang libo-libong buhay na kinitil ng teroristang NPA?

Nakikita ba nila ang paglapastangang ginagawa ng mga ito sa mga kababaihan at mga katutubo lalo na sa Mindanao? Bakit hindi nila subukan na bigyang atensyon ang mga mass grave na nahukay ng mga awtoridad na nagpapatunay na ang New People’s Army ay talagang mga berdugo?

Ang United Nations inquiry po ba ay para lamang dito sa war on drugs? Wala po bang karapatan ang mga biktima, ang mga pamilya ng mga naulila dahil sa mga walang kuwentang aksyon ng NPA? Sila ang tunay na gumagawa ng genocide dito sa Pilipinas.

Sana ay buksan ng mga kinatawan ng UN ang kanilang tenga at mata upang higit na maunawaan at madinig ang hiling na hustisya para sa mga kaawa-awang biktima.

The post EJK lang ba ang mahalaga sa UN? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *