E-Nutribun nakasalang sa kampanya kontra gutom

Malugod nating inihahatid sa kabatiran ng ating mga kababayan na nasa pugon na ng 76 technology adoptors ang Enhanced Nutribun na sadyang nilikha at pinadami ang sustansya ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST–FNRI).

The post E-Nutribun nakasalang sa kampanya kontra gutom first appeared on Abante.

e nutribun nakasalang sa kampanya kontra gutom - E-Nutribun nakasalang sa kampanya kontra gutom
Karlo Nograles 5 - E-Nutribun nakasalang sa kampanya kontra gutom

Malugod nating inihahatid sa kabatiran ng ating mga kababayan na nasa pugon na ng 76 technology adoptors ang Enhanced Nutribun na sadyang nilikha at pinadami ang sustansya ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST–FNRI).

Ito ang ating pinakaunang produktong panugpo sa kagutuman sa bansa lalung-lalo na sa hanay ng mga paslit at mga bata sa mga lugar na mataas ang bilang ng pagkabansot, wasting at mga buntis na nasa bingit ng mga problemang pangkalusugan.

Ang teknolohiyang ito na sinaliksik ng DOST-FNRI ay umani ng pagtangkilik ng mga panaderya at iba pang mga technology adoptors mula sa iba’t ibang sektor kagaya ng mga paaralan at pamantasan na interesadong makipagtulungan sa kampanyang ito.

Ayon sa DOST-FNRI, nang sila ay maanyayahang makapaglahad sa mga dumalo sa ikatlong “Kasapatan at Ugnayan ng Mamamayan sa Akmang Pagkain At Nutrisyon” o KUMAIN webinar series, nakatanggap na umano sila ng 76 letters of intent, siyam sa mga ito ay nakadalo na sa virtual training, at ang 12 naman ay lumagda na at na-notarized ang technology licensing agreements.

Nakakatuwang malaman na ang mga interbensyong plinano ng Task Force Zero Hunger ay nagsimula nang umarangkada. Tiwala tayo na ang ganitong pakikipagkatuwang ng mga stakeholder ay maghahatid ng tagumpay sa ating kampanya para labanan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.

Isa ang KUMAIN series sa mga inisyatibo ng IATF-Zero Hunger para maitaguyod at mapalaganap ang mga bagong teknolohiya at maituro sa mga kalahok ang paggamit ng food fortification technology at mga bagong produktong ipapamahagi sa publiko kaugnay sa ninanais nating tugunan ang ating mga nabanggit na suliranin.

Wala ni isang sentimo na sinisingil ang DOST-FNRI para sa technology licensing. Ang pangunahing gastos na lamang sa pagse-set up ng pasilidad at pagbili ng kagamitan ang kinakailangan depende sa sukat o dami ng produksyong kinakailangan. Ang mga pilot plant engineer ng DOST-FNRI ang tutulong sa mga negosyante at technology adoptors sa plant lay out at maglilista ng mga kagamitan na kakailanganin.

Batay sa mga pagtantya at kalkulasyon ng FNRI, ang return on investment sa enhanced nutribun ay mahigit 30% sa loob ng dalawa hanggang dalawa’t kalahating taon.

Sa ngayon, nakapag-umpisa nang maipamahagi ang E-nutribun sa pakikipagtulungan ng DepEd, DSWD at ng mga lokal na pamahalaan sa mga natukoy na lalawigang lubos na ngangailangan ng pagtugon.

Patuloy nating inaanyayahan ang ating mga kababayan, lalo na ang nasa sektor ng pagni-negosyo, na makipagkatuwang sa pamahalaan upang mapalawak ang saklaw ng teknolohiyang pang-pagkain ng FNRI at para matugunan ang kagutuman at kahirapan.

KLARO.

The post E-Nutribun nakasalang sa kampanya kontra gutom first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *