Dyaheng ugali ng ilang Pinoy

Maraming dayuhan ang naaliw sa mga Pinoy dahil nakikita nila ang pagiging masayahin natin at mahusay makisama. Pero sa totoo lang, tiyak na maraming dayuhan din ang mate-turn off sa mga Pinoy kapag napansin na nila ang mga hindi nating magandang ugali.

The post Dyaheng ugali ng ilang Pinoy appeared first on Abante News Online.

dyaheng ugali ng ilang pinoy - Dyaheng ugali ng ilang Pinoy
Abante Rey Marfil Spy on the job - Dyaheng ugali ng ilang Pinoy

Maraming dayuhan ang naaliw sa mga Pinoy dahil nakikita nila ang pagiging masayahin natin at mahusay makisama. Pero sa totoo lang, tiyak na maraming dayuhan din ang mate-turn off sa mga Pinoy kapag napansin na nila ang mga hindi nating magandang ugali.

Bago natin pag-usapan ang dyaheng ugali ng ilang Pinoy, aba’y alam niyo ba na todo paliwanag ang nag-aambisyong maging Speaker na si Taguig Congressman Alan Peter Cayetano tungkol sa ibinida niyang planong amyendahan ang saligang batas at pahabain ang termino ng mga halal na opisyal?

Sinisi pa ni Cayetano na mali raw ang inilalabas ng mga taga-media. Hindi kataka-takang magkumahog si Cayetano sa pagdepensa sa kaniyang sarili dahil napansin niya siguro sa social media na maraming hindi natuwa sa plano niya, na tinawag ni Senador Ping Lacson na ‘maling panimula at makasarili’.

Balik na tayo sa dyaheng ugali ng ilan sa ating mga Pinoy. Masakit man aminin, marami talaga sa atin ang wala, kung hindi man kulang sa disiplina. Hindi mo na kailangan magbahay-bahay dahil makikita mo na ‘yan sa kalsada—motorista man ‘yan, tsuper, at kahit mga pasahero.

Bukod sa walang disiplina, pasok din sa dyaheng ugali ng marami sa atin ang laging atrasado sa usapan o sa pupuntahan, pero lagi namang nagmamadali. Kakambal niyan ‘yung pagiging apurado, at magulang o ‘yung gustong makaisa.

Gaya na lang nang nangyari kay EDSA traffic czar Col. Bong Nebrija, aba’y pinara nila para tikitan ang driver ng isang pampasaherong bus dahil lumalabas sa yellow lane. Kung tutuusin, dapat palakpakan si Nebrija pero ang nangyari, aba’y sinigawan ng ilang pasahero ng bus si Nebrija dahil ‘late’ na raw sila sa trabaho. Habang marami pa rin ang mga pasaway na motorista, tsuper at pasahero sa lansangan, dapat damihan din ang mga katulad ni Nebrija sa kalye para marami pa tayong mapanood na video sa Facebook na nagsisigawan dahil sa kawalan ng iba ng disiplina. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Dyaheng ugali ng ilang Pinoy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *