Doble-plaka

Maraming rider ang ayaw yatang maki-ride sa bagong batas na pinirmahan ni President Mayor Digong Duterte na nagtatakda na gawin nang dalawa ang plaka sa mga motorsiklo na ilalagay sa harap at likod bilang panlaban sa mga ‘riding in tandem’ criminal.

The post Doble-plaka appeared first on Abante News Online.

doble plaka - Doble-plaka
Abante Rey Marfil Spy on the job - Doble-plaka

Maraming rider ang ayaw yatang maki-ride sa bagong batas na pinirmahan ni President Mayor Digong Duterte na nagtatakda na gawin nang dalawa ang plaka sa mga motorsiklo na ilalagay sa harap at likod bilang panlaban sa mga ‘riding in tandem’ criminal.

 Bukod sa gagawing dalawa ang plaka sa motorsiklo, color coded na rin ito batay sa rehiyon kung saan inirehistro ang sasakyan para mas mada­ling matukoy. Kailangan din na mas madaling mabasa ang plaka nang hanggang 15 metro ang layo. Kung gaano kalaki ang magiging bagong plaka, pag-aaralan pa raw ng Land Transportation Office.

Pero may grupo na ng mga rider ang tutol na noon pa man sa naturang­ hakbangin lalo na sa paglalagay ng plaka sa harapan ng motorsiklo. Katwiran nila, wala raw pagkakabitan, at kung magiging malaki, baka raw matanggal at makapapinsala kapag nilipad. Posible raw mangyari iyon dahil mabilis silang magpatakbo.

Tila naghihinanakit din ang ilang rider na para daw bang napaghihinalaan sila na sangkot sa krimen kaya sila hinihigpitan at lalagyan ng dalawang plaka. Hirit naman ng ating kurimaw na bisikleta ang sasakyan, bakit daw ba parang allergic ang ilang rider na malagyan sila ng mga ‘marka’ na madali silang matutukoy?

Bago kasi ang batas na ito tungkol sa plaka, dati na rin naman pinag-usapan mga tsong ang isa pang paraan na pangontra sa krimen na gamit ang motorsiklo—ang pagsusuot ng mga rider ng vest na makikita ang plaka ng kanilang motorsiklo. Marami rin ang kumontra sa usapin kung anong klase ng helmet dapat isuot ng rider na mada­ling makikita ang mga mukha nila.

In fairness sa ibang grupo ng rider, may nakikita tayong nagsusuot ng vest na nakalagay ang plaka ng kanilang sasakyan. Kung may pumayag, bakit ayaw ng iba? At bakit hindi rin bigyan ng pagkakataon na ipatupad ang bagong batas para makita kung may epek sa kriminalidad.

Dagdag pa ng ating kurimaw, kung problema ng mga rider na baka matanggal ang plaka sa harapan kapag mabilis­ ang kanilang takbo, aba’y simple lang daw ang solusyon, huwag humarurot nang bonggang-bongga. Eh kung lagyan kaya ng ‘speed limit’ ang mga rider?

Kung tutuusin nga naman, maraming rider ang nadidisgrasya at nandadamay pa ng mga inosenteng motorista at mga taong tumatawid dahil kung magpatakbo ang ibang rider eh parang mauubusan ng kalsada. Ang masama, marami pa sa kanila ang tila hindi alam kung saan bahagi sila ng kalsada dapat lumugar.

Ilang tumatawid na nga ba (kasama ang mga kawawang bata) ang nabangga ng mga rider na kung hindi sumisingit eh nag-o-overtake kaya nakakabundol ng mga tao at sasakyan. Kung minsan, sila-sila na mismong mga rider ang nagbabanggaan dahil sa pag-uunahan, o kaya ay lassshinggg ang rider. 

Malinaw ang pakay ng bagong batas, kahit papaano ay matigil na magamit sa krimen ang mga motorsiklo. Kung magamit man, mas madaling matutukoy kung saan ito nanggaling o sino ang may-ari. Ngayon kasi, nasa likod lang ng motosiklo ang plaka kaya bago mo maplakahan eh nakalayo na ang motorsiklo.

Iyon ay kung malinaw ang mata mo dahil bukod nga sa maliit ang plaka ng mga motosiklo, madali pa silang makakalayo sa lugar.

Kung tutuusin, walang katiyakan kung magiging epektibo ang bagong batas kung magiging mabisang pangontra sa mga kriminal na nakamotorsiklo. Pero mas mahirap at mas pangit naman siguro kung hindi susubukan sa dami na ng mga napatay at napag-nakawan ng mga riding-in-tandem criminal. Bukod doon, may mga bansa naman na ipinatutupad ang plaka sa harap at likod ng motorsiklo. Kaya ang dapat na lang pag-usapan at desisyunan ay ang magiging sukat ng plaka na ilalagay sa harap.

Kapag nasunod ang plaka, dalawa na ang plaka ng mga motorsiklo si­mula sa Enero 2020.  La­ging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Doble-plaka appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *