Department of OFWs, hindi na kailangan

Isinumite na ang panukalang magtatag ng Department of OFWs na naglalayong ma­bigyan daw ng sapat na proteksyon ang mga Pilipinong manggagawa.

The post Department of OFWs, hindi na kailangan appeared first on Abante News Online.

department of ofws hindi na kailangan - Department of OFWs, hindi na kailangan
Abante Ely Saludar Broadcasters Vies - Department of OFWs, hindi na kailangan

Isinumite na ang panukalang magtatag ng Department of OFWs na naglalayong ma­bigyan daw ng sapat na proteksyon ang mga Pilipinong manggagawa.

Ang akala ko ba ay nais ng ating gobyerno na ang mga Pilipino ay magtrabaho na sa loob ng bansa sa hinaharap na panahon.

Kahit pa may Department of OFWs ay hindi naman makatitiyak na walang mapapahamak na Pilipinong manggawa sa iba­yong dagat.

Lalo lang pinagtitibay nito na lahat ng mga Pilipino ay dapat na magtrabaho sa abroad.

Ang makakabuting gawin ng gobyerno tulad ng naipangako ni Pangulong Duterte na magbigay ng maraming oportunidad sa Pilipinas upang wala ng magtratrabaho sa labas ng bansa.

Sa ngayon ay pa­lakasin na lang ang POEA at OWWA na siyang panguna­hing nangangalaga sa mga OFW.

Sa kabilang banda ay pabor naman tayo sa sinasabi ng Pangulo na dapat ay ang gobyerno na ang kokontrol sa mga recruitment agency upang masiguro na wala ng mabibiktimang Pinoy na nais magtrabaho sa ibayong dagat ang mga illegal recruiter.

Ang Department of OFWs ay karagdagang gastusin lang ng taumba­yan mula sa buwis ng mamamayan at napakaraming papasuwelduhin na naman at ang masaklap pa ay ang posibilidad na katiwalian pa.

Sana naman ay pag-isipang mabuti ito ng ating mga mambabatas sa pagtatatag ng Department of OFWs at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang panukalang batas na siyang makakatulong sa ekonomiya at sa kabuhayan ng mga Pilipino.

The post Department of OFWs, hindi na kailangan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *