Dengue outbreak

Dear Abante, Nababahala ako bilang isang nanay na may deklaras­yon ng dengue epidemic sa bansa.

dengue outbreak - Dengue outbreak
Sulat kay Editor 1 - Dengue outbreak

Dear Abante,
Nababahala ako bilang isang nanay na may deklaras­yon ng dengue epidemic sa bansa.

Minsan, kahit anong pag-iingat natin sa ating mga anak hindi natin makontrol kung anong puwedeng mangyari sa kanila. Sa totoo lang dobleng pag-iingat at paglilinis na ang aming ginagawa sa aming bakuran. Pero, dahil nga tag-ulan at sunod-sunod ang pagbaha sa iba’t ibang lugar heto at nahaharap nanaman tayo sa isang banta sa seguridad. Ang health security ay isang malaking aspeto na dapat tutukan hindi lang ng Department of Health pero ng bawat isa.

Kapag iniisip ko at sinusuring mabuti, tila ba napaba­yaan na talaga ang estado ng mga ospital dito sa ating bansa. Paano na ang may mga karamdaman kung ang mga pagamutan mismo natin ay hindi sapat. Bukod pa dito ang nagiging isyu sa PhilHealth na halos ‘di mapakinabangan ng mga totoong benepisyaryo.

Sa akin lang, sana ay matutukan namang mabuti ang aspektong ito para naman kung may mga ganitong outbreak ay sasapat ang mga ospital, gamot, doktor, at ang kalidad ng serbisyo na ibibigay sa mga Pilipinong nakakaranas ng matinding pagsubok sa kanilang kalusugan.

Maria Teresa N. Ancahan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *