Deng! Ang bato!

Matapos sirain ang kredibilidad ng gamot para sa dengue ay papayagan din pala. Kaya heto to the rescue ang bakuna dahil sa marami nang kaso ng tinatamaan ng sakit. Kaya, “Deng, ang bato!” Dengvaxia nga pala.

deng ang bato - Deng! Ang bato!
Abante Noel Cabangon Dito sa Kanto - Deng! Ang bato!

Matapos sirain ang kredibilidad ng gamot para sa dengue ay papayagan din pala. Kaya heto to the rescue ang bakuna dahil sa marami nang kaso ng tinatamaan ng sakit. Kaya, “Deng, ang bato!” Dengvaxia nga pala.

Matatandaang pini­gilan ang pagbabakuna sa publiko noong 2017, at umabot pa sa pagsasampa ng kaso kina dating Pangulong Noynoy Aquino, Secretary Butch Abad, at Secretary Janette Garin. At maliban sa pagsasampa ng kaso, lalong ginatungan ang kawalan ng tiwala ng mga tao sa bakunang ito. At kung hindi dahil diyan, sana hindi umabot sa daangli­bong mga naperwisyo ng sakunang ito.

Ayon sa talaan, noong July 13 , uma­bot na sa 130,000 ang naipabalitang tinamaan ng dengue. At mayroon na ring 561 ang namamatay. Ito marahil ang dahilan kung bakit kailangan nang ibalik ang bakuna nang hindi pa lumala at lumaki ang dulot na pinsala ng sitwasyong ito.

Dahil na rin sa pagsira sa Dengvaxia eh nagkaroon na ng takot ang mga tao na magpabakuna para sa iba pang sakit, tulad ng tigdas. Kaya tumaas din nang sobra ang bilang ng mga taong naapek­tuhan ng sakit na sana eh ‘di na nagkaroon kung tinuloy lang ang pagbabakuna.

Hayan, dahilan lamang sa maruming politika, ang nagdurusa ay ang mga mamamayan. Kung hindi siniraan, hindi sana aabot sa ganitong sitwasyon.

Habang hindi pa huli, sana nga payagan na ng pamahalaan ang paggamit ng bakuna, ayon na rin sa mga standards ng World Health Organization, nang maagapan ang anumang paglala ng sitwasyon na ito. Huwag nang hintayin pang dumoble ang napeperwisyo bago kumilos ang nga kinauukulan.

Kaya, “Deng, ang bato!” Ipukol sa ulo ng nagsamantala!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *