Dekalidad na buto

May bago kayong kakampi sa kalusugan, Dr. Rylan Flores po!

The post Dekalidad na buto appeared first on Abante News Online.

dekalidad na buto - Dekalidad na buto
rylan - Dekalidad na buto

CLINIC HOUR
Dr. Rylan Flores

May bago kayong kakampi sa kalusugan, Dr. Rylan Flores po!

Magpapakilala lang ako saglit; ako ay isang Orthopaedic Surgeon (espesyalista sa buto) at isang nutrigeno-mic practitioner (pinagaaralan ang metabolismo ng isang tao base sa kanilang DNA profile).

Tuwing Martes ay mababasa nyo na ang aking column para magbigay ng kaunting kaalaman ukol sa ating kalusugan. Mga impormasyong maaaring gamitin para manatili tayong malusog at humaba ang ating buhay.

Para sa aking u­nang artikulo, pag-uusapan natin ang osteoporosis. Ito ay isang sakit at karamdaman na napakatahimik. Kadalasan, nalalaman lang natin kung tayo ay osteoporotic kung tayo ay naaksidente at nabalian na ng buto.

Ito ay sa kadahilanang hindi ibig sabihin na kung tayo ay matanda at maputi na ang buhok (sabi nga sa isang awitin) ay tayo ay osteoporotic na. Ito ay maaring maiwasan o maagapan, at maari nating mapanati-ling dekalidad ang ating buto hanggang pagtanda sa tamang paraan. Kaya naman ang tamang panahon sa pagintindi sa ating buto ay NGA-YON NA!

Ang buto ang sumusuporta sa ating katawan at nagsisilbing proteksyon sa mga mahahalagang organs. Dito naiipon ang mineral na calcium na ginagamit di lang sa pampatibay ng buto at ngi-pin, pati na rin sa pagkilos at paggalaw ng muscle, pagtibok ng puso, pag maintain ng immune function at pagiisip natin, at marami pang iba.

Ang Calcium ay hindi lang kailangan kapag may osteoporosis ngunit ito ang pinakamahalagang mineral na kaila-ngan sa pagiwas o paggamot dito. Kaya lang, marami pa rin sa atin ang hindi sapat na nakakakuha ng calcium.

Maliban sa Calcium, narito ang iba pang simpleng paraan na maaa-ring gawin upang manatiling matibay ang mag buto natin.

>kumain ng wasto kabilang ang gulay at dairy products
>uminom ng gatas
>magkikikilos ng mabuti, mas mainam kung kayang magehersisyo
>iwasan ang mag bisyo tulad ng paninigarilyo, alak at bawal na droga
Isa sa mga advocacy ng mga espesyalista sa buto ang malaman ng publiko ang mga paraang ito upang maiwasan ang osteoporosis. Ang mahalaga ay maumpisa-han natin ang kamalayan nito maski anong edad, lalong lalo na sa mga kabataan.

Sundan ako sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentrayo at katanu-ngan.

The post Dekalidad na buto appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *