Dating snatcher nanalong barangay chairman

Petmalu ang isang dating snatcher noon na kumandidato at ibinotong barangay chairman sa isang lungsod sa Metro Manila.

dating snatcher nanalong barangay chairman - Dating snatcher nanalong barangay chairman
Deo Macalma Bubwit Ni Deo 1 - Dating snatcher nanalong barangay chairman

Petmalu ang isang dating snatcher noon na kumandidato at ibinotong barangay chairman sa isang lungsod sa Metro Manila.

Ayon sa aking bubwit, kung noon ay snatcher, nang magkaedad s’ya at medyo natuto ay naging ‘handler’ na ng matitinik na snatchers sa Maynila at Caloocan pero ang malaki tala­gang pagbabago sa kanyang buhay ay nang kumandidato at manalong kapitan ng barangay.

Minsan, ‘yung isang alaga ni chairman na snatcher na taga-Caloocan ay nahuli sa Pasay City pero walang hiya-hiya n’yang inarbor sa barangay chairman at mga tanod ng lugar kung saan nahuli ‘yung mandurukot.

Petmalu mo chairman.

Sabi ni chairman sa kapwa n’ya chairman, “Chairman arbor ko na ‘yan, mabait na bata ‘yan.” Sinagot s’ya, “Tarantado! Mabait ka diyan, snatcher nga yan!”

Mahal talaga ni chairman ang alaga n’yang snatcher na taga-Caloocan dahil minsan ay nakorner ito at nahuli sa loob ng bahay na pinasok n’ya para matakasan ang mga humahabol na barangay tanod at mga residente.

Nahuli lang s’ya nang pasukin ng mga tao ang bahay at nahuli s’yang nagtatago sa ilalim ng lababo, na kalaunan ay payo pala ng protector n’yang barangay chairman. Lumutang din si chairman sa presinto at pinyansahan ang paborito n’yang alagang snatcher.

Nag-level up na si barangay chairman at itinigil na n’ya ang pag-aalaga ng snatchers at mga batang gaga­wing snatcher na nakatulong nang malaki sa kanya nang kumandidato s’yang kagawad at namili ng boto gamit ang perang kinita n’ya sa kanyang raket. Lumipat na s’ya sa pagtutulak ng shabu na mas malaki ang kita.

Habang kagawad ay sinuwerte s’ya na biglang maging chairman nang ambusin ng riding-in-tandem at mapatay ang noon ay chairman, na nasa drug list ni Pang. Duterte, sa labas ng Harrison Plaza mall.

Sa sumunod na eleksyon ay na­ging chairman na talaga si protector sa kabila ng record n’ya bilang snatcher at handler ng mga snatcher pero parati s’yang napaliligiran ng bodyguards dahil sa takot n’yang mangyari sa kanya ang inabot ng pina­litan n’yang chairman.

Dahil takot lumabas at puro bahay at barangay hall lang ang lakad n’ya, pinatambakan n’ya ng CCTV ang ruta ng papunta at paba­lik ng kanyang bahay at barangay hall.

Ang barangay chairman na dating snatcher at nag-ala­ga ng snatchers ay pinunong barangay sa mahabang kalye na Harrison sa Pasay City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *