Dapat panagutin sila

Hindi pa rin mawala sa isipan ng marami ang tinuturing napinakamalaking atraso ng ngayong bagong talagang hepe ng Philippine National Police na si General Debold Sinas.

The post Dapat panagutin sila first appeared on Abante.

dapat panagutin sila - Dapat panagutin sila
TALAGA ba 14 - Dapat panagutin sila

Hindi pa rin mawala sa isipan ng marami ang tinuturing napinakamalaking atraso ng ngayong bagong talagang hepe ng Philippine National Police na si General Debold Sinas. Naungkat na naman ito dahil sa pagkakatalaga niya bilangpinakamataas na pulis sa ating bansa. Matapos ang isangtalumpati niya hinggil sa mga plano niyang gawin sa loob ng anim na buwan na manunungkulan siya, natanong siya ukolsa isyu ng mañanita—ang isyung nagpasikat sa kanya. Ang kanyang tugon, tuldukan na daw ang isyu.

Maaalala na sa kalagitnaan ng matinding pagbabawal sapagpupulong-pulong dahil sa pandemya, nagkakaroon ng pagdiriwang ng kaarawan si Sinas, na siyang nangangasiwasa pagpapatupad ng mga patakaran hinggil sa kaayusan saMetro Manila. Agad na iniutos ng liderato ng kapulisan ang isang imbestigasyon sa nangyari. Agad din namannagpahayag ng suporta si Pangulong Duterte kay Sinas at sinabing wala siyang nakikitang mali sa nangyari. Mabilis at may halong pagmamalaki ang naging kasunod na pahayag niSinas—mag move on na.

Pero, bagama’t ganito ang naging pahayag ng pangulo, aniyamaari namang ituloy ang imbestigasyon. Ang tanong lang ay kung meron kayang maglalakas ng loob na magsasabi saisang imbestigasyon na mali ang ginawa ni Sinas. Kapagnangyari ito, parang sinabi niya na mali ang sinabi ni Duterte, isang bagay na malayong mangyari sa isang organisasyon namatindi ang pagtingin sa salita ng kanilang pinakamataas napinuno. Nitong Setyembre, nasa balita na naman si Sinassapagka’t siya ay na mapo-promote. Sabi ng liderato ng PNP ay hindi na isyu ang nangyari dati at marami namang daw nagawang mabuti si Sinas.

Marami ang nagtatanong kung bakit napakalakas ni Sinas kay Duterte. Hindi ko alam ang sagot at ang hula ko ay malamangkasing galing din ng hula ninyo.

Nguni’t ang nakakabahala dito ay ang pagtalikod sa prinsipyong pananagutan o accountability. Sinasabi ng mgadalubahasa na mahalaga ang ginagampanang papel ng accountability upang maging maayos at matuwid ang isangpamamahala. Kapag agarang pinagtatanggol at inaabsweltoni Duterte ang mga tao niya nagkakaroon ito ng epekto ng paglakas ng kanilang loob na maging malayang gumawa ng anupaman dahil sa kawalang ng masamang implikasyon.

Ganito rin ang ginawa ni Duterte sa maraming opisyal niya. Isa na rito ay si Duque, ang Kalihim ng Kalusugan, nahanggang ngayon ay tingin niya sa sarili na napakagaling niyaat walang anumang uri ng kapalpakan o kapabayaan, bagama’t umabot na ng mahigit 400,000 ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

The post Dapat panagutin sila first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *