Dadamputin tayo sa kangkungan

Ang magandang balita—mayroon ng bakuna kontrasa COVID-19. Ang masamang balita—walang order ang Pilipinas.

The post Dadamputin tayo sa kangkungan first appeared on Abante.

dadamputin tayo sa kangkungan - Dadamputin tayo sa kangkungan
EDITORIAL LOGO Edwin Santiago talaga ba - Dadamputin tayo sa kangkungan

Ang magandang balita—mayroon ng bakuna kontrasa COVID-19. Ang masamang balita—walang order ang Pilipinas.

Sa tinatagal-tagal ng pandemya, mistulangtinalikuran ng ating pamahalaan ang ibang mgapwedeng ginawa upang maibsan ang pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19. Bagkus, ang sinabing ating mga pinuno ay ang tanging solusyon saprobemang dulot ng pandemya ay ang makatuklasng bakuna kontra sa sakit. Ngayong mayroon ng bakuna, magkahalong lungkot at galit ang atingmararamdaman na malaman mula sa mga ulat nawala palang ginawa ang ating pamahalaan paramakapag-reserba sa mga kumpanyangparmasyutiko. Tinanggihan ng Pilipinas ang alok saatin na magpaunang bayad na para sa bakunagaling sa mga kumpanyana sa US at UK. Sa halip, nangako si Duterte na tayo ay kukuha sa paboritonating China at Russia.

Ayon sa pamahaalan, baka makakuha tayo ng 20 milyong dosis. Nguni’t, hanggang ngayon, walanglinaw ang pagdating ng mga bakuna sa atin. At, kung magkatotoo man ito, matatapos tayo ng pagbabakuna sa Pilipinas sa loob ng limang taonpa. Samantala, sinabi ni Duterte na napagtanto naniya ang kahalagahan ng pag-tetest laban sapaglaganap ng birus.

Paano babangon ang ating ekonomiya kung ganitoang ating hinaharap?

Tama nga ang sinasabi ng mga negosyante na ang magiging solusyon natin ay ang pag-ibayo ng digitalisasyon sapagka’t sa pamamagitan nito, maaring maging ligtas ang mga tao sa pagkahawahabang pinasisigla nito ang mga aktibidad na pang-ekonomiya. At, kung susuriin nating mabuti, nananaig ang mga transaksyong digital sa atingkalakalan ngayon at tila ito ang bumubuhay sa atingekonomiya.

Sa isang banda, dapat din natin kilalanin ang nagingkatatagan ng mga serbisyo ng mga telcos. Nuongbiglang nagkaroon ng lockdown, ang paggamit ng internet ang naging pangunahing pamamaraan para sa kalakalan, komunikasyon, at kalibangan. Sa harap ng biglaang pagdami ng gumagamit ng internet, hindi sila bumagsak. Idagdag mo pa ang pagkakaroon ng malaking karagdagan na dulot ng mga klaseng online. Ang naging malaking problemaay ang pagtugon nila sa dami ng mga gustongmagkaroon ng internet sa kanilang mga bahay.

Nakakatuwang malaman na napakalaking pagbutiang mayroon sa bilis ng internet sa Pilipinas. Bagama’t wala pa rin tayo sa antas ng mgamauunlad na mga bansa, malaking bagay na ang sinasabing 100% na pagbilis ng internet kung ihahambing sa mga nakaraang taon, ayon saNational Telecommunications Commission (NTC). Hindi ito kathang-isip ng NTC. Base ito sa mgaindependyenteng mga kumpanya na sumusukat ng bilis ng internet kagaya ng Ookla at Opensignal.

Dapat nating pabilisin ang pagkabuti ng atingkoneksyong internet upang lalong maging katulongito sa pagpapa-sigla at pagbangon ng ekonomiya saisang ligtas na paraan. Malaki ang papel ng pamahalaan dito–mangapital sa mgaimprastrakturang digital, kagaya ng ginagawa ng ibang bansa kagaya ng South Korea. Para hinditayo damputin sa kangkungan, huwag na tayongumasa sa ilusyon na isasalba ang Pilipinas ng China at Russia.

The post Dadamputin tayo sa kangkungan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *