Contractual o casual?

Mahigit sa 1.4 mil­yon ang bilang ng mga kawaning pinapasuweldo ng gobyerno, batay sa huling datos na nakuha namin mula sa Civil Service Commission (CSC). Sa bilang na ito, 1,261,285 ang permanente o may regular na item o posisyon samantalang 120,000 ang mga tinatawag na casual o contractual na empleyado.

contractual o casual - Contractual o casual?
Senator Ralph Recto Usapang Barako 6 - Contractual o casual?

Mahigit sa 1.4 mil­yon ang bilang ng mga kawaning pinapasuweldo ng gobyerno, batay sa huling datos na nakuha namin mula sa Civil Service Commission (CSC). Sa bilang na ito, 1,261,285 ang permanente o may regular na item o posisyon samantalang 120,000 ang mga tinatawag na casual o contractual na empleyado.

Hindi pa kabilang sa naturang bilang ang ‘job order emplo­yees’ na panandalian lang ang pagkuha at binabayaran mula sa pondo ng maintenance and other operating expenses o MOOE ng ahensya. Hindi rin sila sakop ng CSC.

Parehas ang natatanggap na benepisyo mula sa gobyerno ng regular, casual o contractual na empleyado. Ang kaibahan lang nila ay security of tenure. May kasiguruhan ang kinabukasan ng regular na empleyado na hindi siya basta matatanggal kung walang tamang basehan ang pagsisante sa kanya, samantalang ang casual o contractual employees ay pala­ging may nakaambang panganib na mawalan ng trabaho.

Karamihan sa casual at contractual emplo­yees ng gobyerno ay ina-appoint sa takda at limitadong panahon. Subalit sa kabila ng fixed term appointment nila, karaniwang nangyayari ang tuloy-tuloy na pagtatalaga at paggamit sa kanilang serbisyo, hanggang uma­bot na sa matagal na panahon — ‘yung iba’y higit 5 taon at pataas pa — ang tagal ng kanilang pinagsamang serbisyo sa gobyerno bilang casual at contractual.

At sa kabila ng mara­ming taon nilang serbisyo sa gobyerno, hindi sila magawang ipermanente sa posis­yon.

Kamakailan ay i­naprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Security of Tenure o ENDO bill para isaayos ang pala­kad ng madalas na naaabusong contractualization sa pribadong sektor. Dapat nga ay nauna nating linisin ang sariling bakuran o ang gobyerno bago natin nilinis ang bakuran ng pribadong sektor.

Kaya’t nag-file tayo ng Senate Resolution No. 28 na nag-aatas sa Senate Committee on Civil Service na imbestigahan ang kasalukuyang kalagayan ng mga casual at contractual employee ng gobyerno at hanapan ng solusyon kung posibleng gawin silang regular.

Kung gumagawa tayo ng polisiyang susundin ng pribadong sektor para sa mga casual at contractual employee nila, mas marapat lang na ipatupad din ang ganoong panuntunan para sa mga casual at contractual natin sa gobyerno, kasama na rin ang mga job order personnel.

Kailangan ding tawagin ng Kongreso ang pansin ng Department of Budget and Management at iba pang ahensya ng gobyerno upang rebisahin, pag-aralan at i-update ang aprubadong staffing pattern at kinakailangang kawani ng gobyerno upang malaman ang lawak ng gagawing regula­rization sa mga casual at contractual sa gobyerno.

Sana’y maging mabilis ang pag-usad ng usaping ito sa Kongreso at Senado upang maisabatas sa lalong madaling panahon, at maging mas matatag ang kinabukasan ng mas marami nating kababayang nagtatrabaho sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *