Consumer dapat may ‘say’ sa presyo ng kuryente, tubig, toll fees at iba pa

‘Pag sinabi ng electric company na itataas ang presyo ng kuryente, magwala man ang mga customer, wala tayong magagawa. ‘Pag sinabi ng water company na magdaragdag sila ng presyo sa bawat kubiko ng tubig na lalabas sa ating gripo, magprotesta ka man sa pamamagitan ng hindi pagligo, wala kang magagawa. ‘Pag sinabing dagdag pasahe ang ipatutupad sa LRT, MRT, jeep o bus, wala kang magagawa kundi maglabas ng pera o maglakad na lamang.

consumer dapat may say sa presyo ng kuryente tubig toll fees at iba pa - Consumer dapat may ‘say’ sa presyo ng kuryente, tubig, toll fees at iba pa
Abante Sen Ralph Recto Usapang Barako - Consumer dapat may ‘say’ sa presyo ng kuryente, tubig, toll fees at iba pa

‘Pag sinabi ng electric company na itataas ang presyo ng kuryente, magwala man ang mga customer, wala tayong magagawa. ‘Pag sinabi ng water company na magdaragdag sila ng presyo sa bawat kubiko ng tubig na lalabas sa ating gripo, magprotesta ka man sa pamamagitan ng hindi pagligo, wala kang magagawa. ‘Pag sinabing dagdag pasahe ang ipatutupad sa LRT, MRT, jeep o bus, wala kang magagawa kundi maglabas ng pera o maglakad na lamang.

‘Yan ang buhay consumer. Sunud-sunuran sa itinakdang bayarin ng government regulatory bodies – grupong binuo upang magpasya ng takdang bayarin ng publiko.

Sino ba ang mga consumer? Tayo ‘yan, tayong mga Pilipino na naglalabas ng pera sa bawat gamit natin ng serbisyo – maging ito ay tubig, kuryente, transportasyon, komunikasyon at iba pa.

Hindi nakatutulong na bukod sa patuloy na pagtaas ng takdang bayarin ng consumer, sumasabay ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbagsak ng halaga ng piso, at ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Masamang kombinasyon ang tatlong ito sa bulsa ng ordinaryong Pilipino.

Kaya’t minabuti na­ting maghain ng panukalang batas na magla­lagay ng kinatawan ng mga consumer sa lahat ng government regulatory bodies, tulad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board, Toll Regulatory Board, E­nergy Regulatory Commission, Manila Waterworks and Sewerage System, Local Water Utilities Administration at National Telecommunications Commission.

Layunin ng Senate Bill 590 natin o ang ‘Consumer Group Representation in Regulatory Bodies Act’, ang pagtalaga ng kinatawan sa regulatory board ng mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan na mangangalaga sa interes ng ordinar­yong consumer. Sila ang magiging boses ng consumer lalo pa at kung ang pinag-uusapan ng board ay ang napipintong pagtaas ng mga fees na papasanin ng marami sa atin.

Sila ang ‘pulis’ na sisilbato ‘pag hindi na makatarungan ang dagdag bayarin na nais ipataw sa mga consumer.

Mismong ang Konstitusyon ang nagsasabing kailangan ang partisipasyon ng publiko upang masigurong walang kala­bisan ang ipatutupad na desisyong makaka-apekto sa lahat ng nagbabayad na Pilipino.

Sa kasamaang palad, marami sa mga charter na lumikha ng iba’t ibang government regulatory bodies – lalo na iyong may kinalaman sa tubig, kuryente at pampublikong transportasyon – ang walang binabanggit na probis­yon para madagdagan ang partisipasyon ng publiko sa pagba­langkas ng desisyon.

Dahil dito, mara­ming mga desisyon ang naipatupad na wala ni anumang konsultasyon mula sa maaapektuhang customer nila o hindi inilalahad para sa kaalaman ng publiko ang detalye ng ipatutupad na polisiya.

Ang mga ganitong problema ang nais na­ting solusyunan sa pagtatalaga ng kinatawan mula sa hanay ng consumer na tatawaging ‘consumer group representative’. Mauupo siya kasama ng iba pang miyembro ng board sa lahat ng pagpupulong at magbabantay sa mga usapin, lalo na kung ang diskusyon ay tungkol sa pagtataas ng fees.

At upang masigurong mapoprotektahan ang interes ng consumer, kabilang sa mga qualification ng magiging representative ang maganda at malinis na record na walang bahid ng kasong isinampa, miyembro ng consumer group na nais niyang katawanin, at hindi bababa sa 5 taong experience sa pagsusulong sa kapakanan ng consumer group na kanyang nais i-represent.

Sana’y maging mabilis ang pag-usad ng ating bill sa Senado upang mabilis din itong maging batas at magkaroon ng kinatawan at proteksyon ang mga consumer laban sa hindi makatarungang pagtaas ng iba’t ibang fees sa mga serbisyong ginagamit natin sa araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *