Congressman tinatawag ng mga constituent na congresswoman

Alam niyo bang isang lider congressman na bumida sa mga kaganapan sa House of Representatives nitong bago magbukas ang sesyon ng 19th Congress ay tinatawag ng constituents niya na congresswoman?

congressman tinatawag ng mga constituent na congresswoman - Congressman tinatawag ng mga constituent na congresswoman
Abante Deo Macalma Bubwiy ni Deo - Congressman tinatawag ng mga constituent na congresswoman

Alam niyo bang isang lider congressman na bumida sa mga kaganapan sa House of Representatives nitong bago magbukas ang sesyon ng 19th Congress ay tinatawag ng constituents niya na congresswoman?

Hehehe totoo mga pare at mare, congresswoman pala ang tawag kay deputado ng mga tao sa lugar nila na isang probinsya sa Luzon.

Ayon sa aking bubwit, madalas mag-ikot si congressman este congresswoman sa mga barangay sa kanyang distrito na nakamotorsiklo na may angkas na lalaki. Mahilig si congresswoman sa motor pero hindi sa mga big bike.

Ayon sa aking bubwit, ang angkas ni deputado sir kapag nangungumusta sa mga barangay sa kanilang probinsya ay ang bf niyang engineer na macho guwapito.

Petmalu si congressman este congresswoman kapag naglibot, may hila-hila siyang security convoy ng mga fully-armed bodyguards sakay ng mga SUV at pickup truck. Wala naman mas­yadong peace & order issues sa probinsya nila pero may presensya doon ng NPA na minsan ay biglang nagpaparamdam.

Ayon sa aking bubwit, ibang klase si congresswoman kasi siya ang nauuna sa convoy angkas ang bf niyang engineer, humihinto at nakikipaghuntahan sa mga residente lalo na sa mga lider-barangay habang nakaporma naman sa paligid nila ang kanyang bodyguards. Pero pag-alis pala nila sa lugar ay naguusap-usap sa likod ni congressman ang mga residente at tinatawag siyang congresswoman.

Kung sabagay, hindi na masyadong nakagugulat ang rebelasyong ito ng aking bubwit tungkol kay congressman este congresswoman dahil marami pang ibang deputado ang naibubwit na sa kapwa lalaki rin kinikilig, mayroon ngang nakikitang may kasamang magandang chiching pero doble kara pala o minsan poging guy din naman.

Ang lider-kamara na naglilibot sa kanilang lugar na angkas sa motor ang bf na engineer at kung tawagin ng constituents ay congresswoman ay si Rep. V.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *