Byuti tips para sa mga nanay

Minsan, tayong mga mama, hindi natin maiiwasan na may mga araw na nakakalimutan nating asikasuhin ang ating mga sarili.

The post Byuti tips para sa mga nanay first appeared on Abante.

byuti tips para sa mga nanay - Byuti tips para sa mga nanay
EDITORIAL LOGO wala kayo sa mama ko Risa Hontiveros 1 - Byuti tips para sa mga nanay

Minsan, tayong mga mama, hindi natin maiiwasan na may mga araw na nakakalimutan nating asikasuhin ang ating mga sarili.

Lalo na kapag bagong panganak lang, laging puyat at hindi na malaman kung ano ang uunahing gawin. Kaya walang panahong pumustura at makapag-ayos. Nakaka-conscious tuloy!

Pero mga mare, hindi kalabisan kung paminsan-minsan ay pagbibigyan natin ang ating mga sarili. Dahil kapag happy tayo, happy si baby, happy si mister, at happy ang buong family. Kaya ito ang mga tips ko para mapanatili ang ganda at masayang disposisyon sa buhay ni nanay.

1. Uminom ng maraming tubig. Ito ang pinakamadali at pinaka-praktikal na beauty regimen. Ang simpleng pag-inom tubig ay makakatulong na magkaroon ng makinis na kutis. Madali kasing kukulubot ang balat kapag hindi sapat ang tubig sa ating katawan. Kaya mga nanay, siguraduhin na nakakainom ng 8-12 baso ng tubig sa isang araw.

2. Palaging ngumiti, kahit pa madalas na tayong naka-face mask! Kapag ikaw ay ngumingiti, lumiliwanag ang ating mga mata at nagiging mas maaliwalas tingnan ang ating mga mukha. Good vibes yan sa ating sarili at pati na rin sa taong ating nginingitian.

3. Importante ang ‘me time’. Naiintindihan kong maaring nakaka-guilty na unahin ang ating sarili kaysa bantayan ang tahanan. Pero kapag nanay ka na, mahalaga na may kaunting oras ka para huminto at makapag-refresh. Kahit 10-minutes lang! Kung plantita ka, bisitahin mo muna ang iyong mga halaman. Makipagkwentuhan sa mga kaibigan at kamag-anak. Bigyan mo ng oras yung mga libangan mo o kung anuman ang hilig mong gawin.

4. Panatilihin ang kalinisan ng katawan. Kapag andiyan na si baby, hindi talaga maiiwasan na siya na ang number one priority. Pero hindi ibig sabihin ay magpapabaya na tayo, lalo na sa ating katawan. Ugaliing maligo at panatilihing malinis. Magsipilyo, maghilamos, magsuklay, at itali ang buhok kung kinakailangan. Lalo na ngayong may pandemya, importante ang good hygiene upang hindi tayo kapitan ng sakit o anumang mikrobyong magpapababa ng ating immune sytem.

5. Kumain ng masusustansiyang pagkain. May mga gulay at prutas na maganda na sa kalusugan, maganda rin sa ating mga balat! Andyan ang mango, carrots, at iba pang yellow o orange na prutas at gulay. Syempre, mainam din ang mga green leafy vegetables. Gawin natin ito para siguradong glowing at natural ang ating ganda. Byuti na, iwas sakit pa.

6. Magsuot ng komportableng damit. Basta malinis, bagong laba at nakakapagpalakas ng kumpyansa natin sa ating sarili, pasok yan, mga mommy. Hindi kailangang mamahalin at laging bago ang porma para umangat ang ganda.

Kahit pa may mga tungkulin tayo sa ating mga anak at asawa, huwag nating isasantabi ang ating sarili. Okay lang na maging kikay. Okay lang na tumigil at magnilay-nilay. Okay lang na pagkaabalahan ang mga nakakawiling libangan. Kapag masaya at panatag ang kalooban, samahan pa ng pag-aalaga ng sarili which makes us smile and feel good, lumalabas ang gandang natural ni nanay.

The post Byuti tips para sa mga nanay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *