Buntis Congress

Nitong nakaraang Linggo, ginanap sa aming bayan ang “Buntis Congress 2019” bilang bahagi ng kampanya ng Department of Health (DOH) ukol sa Good Maternal Health Care. Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ang mga buntis ng mga mahahalagang impormasyon upang siguraduhin ang kalusugan ng mga nanay gayundin ang kanilang mga ipinagbubuntis na sanggol. Taunang ginagawa ito sa Pakil at pinamamahalaan ng aming mga ­Municipal Midwife sa superbisyon ng ­aming ­Municipal Health ­Officer.

The post Buntis Congress appeared first on Abante News Online.

buntis congress - Buntis Congress
Abante Vince Soriano Sinag - Buntis Congress

Nitong nakaraang Linggo, ginanap sa aming bayan ang “Buntis Congress 2019” bilang bahagi ng kampanya ng Department of Health (DOH) ukol sa Good Maternal Health Care.

Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ang mga buntis ng mga mahahalagang impormasyon upang siguraduhin ang kalusugan ng mga nanay gayundin ang kanilang mga ipinagbubuntis na sanggol. Taunang ginagawa ito sa Pakil at pinamamahalaan ng aming mga ­Municipal Midwife sa superbisyon ng ­aming ­Municipal Health ­Officer.

Naiiba ang Buntis Congress sa aming bayan ngayong taong ito sapagkat nagkaroon ng Beauty pa­geant na tinaguriang Buntis Pageant kung saan 13 Buntis mula sa aming 13 Bara­ngay ang lumahok dito. Naging masaya tuloy ang Buntis Congress sa Pakil lalo na’t na­ging adbokasiya na rin ng mga Buntis na di rin dapat pabayaan ang kanilang kagandahan kahit na sila ay nagdadalang-tao. Nakakatuwa ring panoorin na sobra silang sinusuportahan ng kanilang mga asawa na importante sa mga buntis kaya naman makikita mo lalo sa kanila ang tamis ng pag-ibig.

Binabati ko ang mga nagwagi sa kauna-unahang Buntis Pageant sa Pakil na sina Crizel ­Rapsing ng Barangay Saray (Grand Winner), Jonalyn Briones ng Barangay Dorado (1st ­Runner Up) at ­Catherine ­Mamsaang ng ­Barangay Rizal (2nd Runner Up). Kayo ay kasama na ng ating Municipal Health Office sa pagpapaliwanag ng Good Maternal Health Care sa ating mga kababayan.­

Ngayon Buntis Congress ding ito ginanap ang community service ng aming anak na tinagurian naming “Cielo Cares.” Ipinamahagi niya sa mga buntis ang kaniyang mga sapatos, laruan, damit at iba pang gamit na mapapakinabangan ng kanilang mga isisilang na sanggol. Ito ay bahagi lamang ng ­aming layuning palakihin ang aming anak sa kaha­lagahan ng pagtulong at pagbabahagi ng biyaya sa kapwa. Nasa 60 mga buntis ang kanyang napasaya at nakasisiguro ako na matapos ang kanilang panganganak, pati kanilang mga sanggol ay magiging maligaya.

Salamat po sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang ­Buntis Congress 2019 sa Pakil. Special mention siyempre bukod sa mga taga Municipal Health Office, ang mga taong nagbigay ng mga regalo para lalong ma­ging masaya ang Buntis Congress ngayong taong ito.

Nagkaka-isa po tayong lahat kasama ang #59 SINAG Party-list sa pananaw at adbokasiya na upang masi­guro ang kalusugan ng mga sanggol, talagang dapat ang mga Nanay ay nabibigyan ng mga impormasyon at gabay ukol sa kanilang kalusugan.

The post Buntis Congress appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *