Bilyong pisong tinapyas sa 2020 pondo ng DOH dapat ibalik

Sa gitna ng mga naka-ambang problema sa kalusugan, nararapat lamang na ibalik ang tinapyas na bilyong pisong pondo mula sa Department of Health (DOH) upang matugunan ang mahahalagang programa ng gobyerno katulad ng kontra-dengue, kontra-tigdas at sa maayos na pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

bilyong pisong tinapyas sa 2020 pondo ng doh dapat ibalik - Bilyong pisong tinapyas sa 2020 pondo ng DOH dapat ibalik
Risa Hontiveros Usapang Kalusugan at Kababaihan 2 - Bilyong pisong tinapyas sa 2020 pondo ng DOH dapat ibalik

Sa gitna ng mga naka-ambang problema sa kalusugan, nararapat lamang na ibalik ang tinapyas na bilyong pisong pondo mula sa Department of Health (DOH) upang matugunan ang mahahalagang programa ng gobyerno katulad ng kontra-dengue, kontra-tigdas at sa maayos na pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Hindi makatarungan na tapyasan ang 2020 budget ng Department of Health (DOH) ng ­humigit-kumulang P9.3 bilyon dahil ang bawat sentimong ­nakalaan dito ay ­nakalaan sa ­pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan na makakaapekto sa ­buhay at kalusugan ng bawat mamamayan.

Kailangang magpaliwanag ng Department of Budget and Management (DBM) at ng DOH mismo kung bakit sa ilalim ng iminungka­hing national budget sa susunod na taon, ang DOH ay makakatanggap lamang ng P160.15 bilyon. Ito’y limang porsyentong mas mababa kumpara sa 2019 DOH budget na P169.45 bilyon.

Ang pinakahihintay na pagpapatupad ng UHC Law, kung saan ako ay co-author sa Senado, ay ­magbibigay ng access at ­epektibong serbisyong pangkalusugan para sa lahat. ­Sisimulan itong ­ipatupad sa 2020. Kung kulang ang pondo ng DOH, magkakaroon ng problema sa pagpapatupad nito.

Sa isang banda, kailangan din nating ibaba ang mga kaso ng mga kababayan ­nating nagkakasakit ng tigdas at dengue. Libo-libong Pilipino ang ­dinadala sa mga ospital at mga health center. Sa dami ng mga ­kasong ito, ­hindi tama na ­bawasan pa ang pondo ng DOH. Ang pagbigay ng mas maliit na pondo sa DOH ay illogical, counter-productive at puwede ring kriminal. Ito’y pag-atake sa pampublikong kalusugan ng bansa.

Kailangan pa ng P70 bilyong dagdag mula sa iminungka­hing P160.15 bilyon na DOH budget para sa susunod na taon upang maipatupad lahat ng programa sa ilalim ng UHC Law. Tinatayang P241.8 bilyon hanggang P247 bilyon ang kailangan sa unang taon na ipatutupad ito.

Ang budget naman para sa PhilHealth na dapat sana ay P152 bilyon ay nabawasan at ngayon ay P67 bilyon na lamang. Ang pondo para dito ay para sa mga taong tinamaan ng dengue, tigdas at iba pang mga sakit na kailangang gamutin sa mga pampublikong ospital upang hindi na magbayad ng malaking halaga.

Akin ding itataas ang pondo para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) dahil sa ilalim ng UHC Law, dapat ay mayroong barangay health station kada barangay. Ang dapat na P23.5 bilyon pondo para maisakatuparan ito ay nilaanan lamang ng P67 bilyon na alokasyon.

Nananawagan ako sa mga kasamahan ko sa Senado na ­iprayoridad ang pagpondo sa mga programang pang­kalusugan ng bansa. Paano ­matutupad ang pangako ng ­gobyernong progra­mang pangkalusugan para sa ­lahat kung hindi ­popondohan ng tama at sapat ang DOH at ang mga programa nito? Ang bawat ­pisong ­pondo para sa ­kalusugan ay ­kailangang ilaan upang maisalba ang ­kalusugan at buhay ng ating mga ­mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *